KABANATA 8 — The owner of Formosa University
I readied myself for the next day. Lahat lahat ng kailangan ay dala ko na. DB told me na ngayon na ang start ko sa trabaho ko sa FF. Actually, ako naman talaga ang may gusto na mag-start na ngayon. Binigyan naman nila ako ng time to adjust myself dahil bago lang ako sa industriyang ito. Hindi naman kasi kalakihan ang business ko at wala pa sana akong balak na pumasok sa fashion industry but since may offer sa akin, ay wala na akong choice. Gusto ko naman talaga ang pinapasok ko.
As for what happened the other night, kilalimutan ko nalang. Saka ko nalang ulit iisipin kung magkita na ulit kami. Kahit naman anong plano ko incase na magkita kaming dalawa, maglalaho rin lahat 'yon at masasabutahe ng puso ko. What for kung maghanda pa ako?
Yung kwintas na bigay niya sa akin, eto, suot ko. I don’t know why I’m wearing this. Nakita ko nalang ang sarili ko na sinusuot ito kaninang umaga nung naghahanda ako. Maybe I’ll just consider this as my lucky charm. Iyon nalang ang role nitong kwintas sa akin. Minsan rin naman itong naging dahilan ng kasiyahan ko.
Hinawakan ko ang kwintas habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Nauna na sila Cody at Nerissa sa FF dahil may kailangan pa silang asikasuhin with DB. Maaga ko na silang pinapasok para naman hindi madisappoint ang boss ko sa mga staff ko. Sinadya ko talagang 'wag nang sumabay sa kanila.
Nasilip ko mula sa bintana ng sasakyan ang daanang tinatahak namin. Si Manong Eddie ang kasama ko ngayon. Ayaw naman kasi ni Daddy na ako nalang mag-isa ang mag-drive kahit na may international licence naman ako. Mahirap na daw at hindi ko pa kabisado ang daan dito sa Pilipinas dahil sa tagal kong nawala.
Nadaanan namin ang isang street kung saan puro estudyante ang makikita. Mga naglalakad, mga nakatambay, at nagkakainan. I used to be like them. Dito rin mismo sa lugar na ito. Nung nag-aaral pa ako ng college dito sa Pilipinas.
“Manong Eddie, kahit dito nalang po ako.” Sabi ko kay Manong Eddie nang madaan na kami sa lugar na puno ng carenderia.
“Ma’am?” tiningnan niya ako mula sa rear view mirror. Nagtataka ang mukha niya.
“Bababa na po ako dito. Ako nalang pong mag-isa ang pupunta ng Fortune Fashions. Magko-commute nalang po ako.” Paliwanag ko. Nalaman kong ang university na pinapasukan ko noon ay malapit lang sa pagtatrabahuan ko ngayon. 'Di sila kalayuan kaya nang ma-realize ko iyon ay nagdesisyon akong dumaan muna dito.
This is the reason kaya hindi ako sumabay kayla Cody. Gusto kong daanan ang lugar na ito.
Hininto ni Manong Eddie ang sasakyan at saka bumaling sa akin. “Pero Ma’am Ella, baka ho mapagalitan ako ng daddy niyo.”
“Hindi po. Hindi ko po sasabihin sa kanila. At ako naman po ang may gusto eh. Sige na po.” Pakiusap ko. Alam kong loyal 'to kay Daddy. Sa itsura palang niyang nag-aalala ay kitang kita na na hindi ko siya mapapapayag kaagad. “Sige na po.” Pakiusap ko ulit.
“Kagayang kagaya niyo ho ang anak ko. Nasa probinsya ho siya kaya hindi ko madalas nakikita. Pero nakikita ko ho siya sa inyo.” Pagkasabi niya niyon ay pumorma agad ang ngiti sa labi ko. Alam kong mapapapayag ko na siya.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Художественная прозаSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...