Kabanata 17

6.2K 118 3
                                    

KABANATA 17 — Vincent’s Brother

Usapan namin ni Yannie ay itetext ko siya once na nakarating na ako sa venue ng reunion. Kanina pa siya text ng text sa akin para siguraduhin kung pupunta ba talaga ako. I don’t know why she is so eager that I should come pero pansin ko talaga 'yan sa kanya. Ngunit kapag maiisip ay nagkikibit balikat nalang ako. Baka naman kasi talagang na-miss lang nila ako. 'Yan din naman ang sabi niya.

Ni-ready ko na ang sarili ko nang pumatak na ng alas-sinko. Nag-ayos ulit ako at nagpalit ng mas magandang damit. Kung magpapakita man ako sa mga taong bahagi ng nakaraan ko, gusto kong makita nila ay 'yong bagong ako. Gusto kong makilala nila kung sino na ba ang kasalukuyang Ella.

Nang magpaalam ako kay Nanay Linda ay nag-alala pa siya. Sinabi niya na magpahatid nalang ako sa driver at magpasundo na rin. Sobrang protective talaga ni Nanay kaya naintindihan ko naman siya. But I really want to be alone this time kaya umayaw pa rin ako sa gusto niya. Mabuti nalang at hinayaan na niya ako.

Lubos ang pag-aalala niya nang malamang sa isang bar ang punta ko pero nangako naman akong hindi maglalasing at uuwi akong ligtas. Matapos nun ay pinabayaan na nila ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng message para kay Yannie.

Ako:

I’m on my way.

Agad rin siyang nag-reply sa text ko.

Yannie:

Me, too. See you there.

Mabuti nalang at hindi masyadong traffic. Sakto alas-sais imedya nang makarating ako sa venue. Maaga pa siguro ito sa 7pm na sinasabi ni Yannie. Tinext ko agad siya na nandito na ako nang makapag-park na ako. Nanatili lang ako sa loob ng kotse habang naghihintay ng reply niya.

Yannie:

Sige. Kita tayo sa entrance.

Kinuha ko na agad ang purse ko at lumabas na ng BMW ko. Pinatunog ko iyon. Naglalakad na ako papuntang entrance ng bar nang makuha ng isang sasakyan naka-park di kalayuan kung nasaan ako ang atensyon ko. Isa itong blue audi. Naalala ko ang nakita ko kanina nung pauwi ako sa bahay galing grocery. Hindi ko talaga mapigilang mamangha sa kotse. Siguro ay ito rin mismo ang nakita ko kanina sa may traffic light.

Ang astig ng sasakyan. Ang gara pa. Natatandaan kong may ganito rin si Zac sa New York ngunit itim ang kanya. Palagi siyang natatawa sa akin sa tuwing pupurihin ko ang ganda ng sasakyan niya. Sasabihin pa niya na parang hindi daw ako mayaman kung mamangha ako sa sasakyan. Eh kayang kaya ko rin naman daw na bumili ng mas mahal diyan.

Well, maybe his wrong with that part. Hindi ko naman kayang bumili nun. Malamang ang mga magulang ko ang may kaya. Pero kung ako lang, kung sariling kita ko lang, imposible. Ngayon, nare-realize kong hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako sa mga magulang ko.

Pinilig ko ang ulo at pinikit ng mariin ang mata. Hindi ko na dapat iniisip 'yon. Nandito ako para sa reunion party ng mga ka-batch ko noon sa college. Tama na muna ang pag-iisip ng problema ko sa pamilya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon