Kabanata 41

5.6K 94 7
                                    

KABANATA 41 — Panatag

Ibang klaseng saya ang naramdaman ko nang magising ako dahil sa sinag ng araw. Napatingin ako sa nakabukas na balcony ng kwarto ni Vincent. Nililipad ang kurtina nun at nasisilaw ako sa tuwing lumalagpas ang sinag ng araw sa mga kurtina. Nakita ko ang anino ni Vincent at napangiti agad ako.

Umupo ako ng kama at kinuha ang unan para yakapin. Malamig ngayon dahil sa hangin. Siguro ay dahil na rin sa wala akong soot na kahit ano. Tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko.

Habang yakap ang sarili ay pinagmasdan ko ang panlalaking dating ng kwarto ni Vincent. Gaya sa labas, nang makita ko ito kagabi, puro puti at itim lang ang mga kulay rito. May mga frame na nakasabit sa pader. Iba’t ibang pose ni Vincent ang naroon at lahat ng ito’y hindi nakatingin sa camera. Ngayon ko lang napansin ito dahil kagabi ay madilim na at wala na akong panahon para mapagmasdan ang kwarto niya.

Pagtingin ko ulit sa balcony ay napansin ko ang paggalaw ng isang anino. Papasok ito ng kwarto hanggang sa makita ko ang nakangiting si Vincent habang may hawak na baso ng kape.

“Good morning.” Nakangiting sambit niya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko. May soot na siyang gray sando ngayon at puting pajama.

Nakangiti kong sinalubong ang mukha niyang papalapit sa akin. Marahan niya akong hinalikan sa labi.

Lumayo siya nang nakapikit at saka dumilat. “Coffee?” alok niya sa kapeng hawak niya. Bahagya akong umiling.

Suminghap ako at mas lalong niyakap ang unan.

“Malamig? Wala kang damit dito, pano 'yan?” ngumisi siya at tiningnan ang kabuuan ko na natatakpan lang ng kumot at unan.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at sa mga tingin niya. Kung makatingin siya kasi ay akala mo kitang kita na ang hubad kong katawan. May naglalarong ngisi sa kanyang labi at hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin ng kislap sa mga mata niya.

Nang makita ang reaksyon ko ay mahina siyang tumawa. “Just kidding.” May tinuro siya sa likod ko. “Nagpabili na ako ng damit. Kumpleto na 'yan.”

Nakita ko ang isang pink at malaking paper bag na nakapatong sa side table.

Wala sa sariling nagbalik ako sa mga araw namin sa Villa Mikaella. Binilhan niya rin ako ng damit noon at siya ang nasunod sa mga isosoot ko. Tiningnan kong muli ang paper bag at ngumiwi sa naiisip na laman noon.

“U-uh, Vincent…” tumigil siya sa pag-inom ng kape at bumaling sa akin. “Papasok ako ng Fortune Fashions, a. B-baka naman…” pinag-isipan ko muna kung itutuloy ko ang sasabihin.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Hm?” tanong pa niya.

“Daster ba ulit 'yan—” hindi pa ako natatapos ay malakas na siyang humalaklak. Nag-init nanaman ang pisngi ko habang namumula na siya sa kakatawa.

“Of course not, Mika!” hindi makapaniwalang sambit niya. Umiling pa siya nang natatawa pa rin. “Ako lang ang pwedeng makakita sa’yo 'pag daster ang soot mo. You have no idea how beautiful you are with that on you. Ayokong makita ng iba 'yon.” Malambing na sabi niya pero tinatawanan niya pa rin ako.

Nairita na ako. “Vincent naman, e!” kunot-noong sabi ko.

Tumayo siya at humarap sa akin. Tumigil na siya sa pagtawa at nakangiti nalang siya ngayon.

“Sige na. Magbihis ka na. Marami ka pang tatapusin sa FF 'di ba?” pagkasabi niya noon ay tumango ako at naghanap ng orasan para makita ang oras.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon