KABANATA 54 — Trilogy
Hindi maipinta ang mukha ni Auntie Kristin at batid kong nagpigil lang siya sa inasta ng anak niya. Hindi na talaga bumalik si Terrence matapos noon. Natandaan ko pa ang sinabi niyang kukuha lang siya ng mga damit kaya umuwi pero hindi na niya iyon ginawa.
“I’m sorry.” Nagsisising sabi ko kay Vincent. Naglalakad kami patungong dining area. Nauna na sila Auntie Kristin at Uncle Ver doon.
Kinunutan ako ng noo ni Vincent. “Spoiled si Terrence kay Mama kaya ganoon 'yon umasta kanina. You had nothing to do about it.” Nilagay niya sa likod ko ang palad niya at hinaplos iyon.
Nanahimik na lang ako. Nang nasa dining area na kami ay nakita ko ang mga magulang ni Vincent na nakaupo na sa tapat ng mahabang mesa na may sampung upuan. Si Uncle Ver sa kanto at si Auntie Kristin ay nasa kaliwa niya. Iginiya ako ni Vincent sa pangalawang upuan sa kanan ni Uncle Ver. Umupo ako roon at si Vincent kanan ko.
Nagbago na ang hindi maipintang mukha ni Auntie Kristin at nakangiti na siya ngayon. Si Uncle Ver naman ay nakangisi.
“Kumain na tayo.” Pagkabanggit noon ni Uncle Ver ay nagsimulang kumilos ang dalawang katulong at pinagsalinan kami ng juice.
Tumingin si Vincent sa akin. “Anong gusto mo?” nilibot ko ang tingin sa mga pagkain. Tatlong putahe ang nakahain sa mesa.
“Kahit ano.” Nahihiya kong sambit kay Vincent. Pinagmamasdan kasi kami ng mga magulang niya.
“This. Cream dory ito.” Kinuhaan niya ako ng kaunting slice nito ay nilagay sa plato ko. Sumunod ay kanin naman ang sinandok niya para sa akin.
Nahihiyang ngumiti ako kayla Auntie Kristin at Uncle Ver dahil sa kinikilos ng anak nila. Pinanonood nila ito na animo’y namamangha sa ginagawa ng panganay.
Natapos si Vincent at saka lang sila kumilos para sa mga sarili nila. Hinintay ko na sila bago ako nagsimulang kumain upang sabay sabay kami.
Sa gitna ng pagkain, nagsalita si Uncle Ver. “How’s your grandfather, Ella?” tanong niya sa akin.
Naalala ko ang kalagayan ni Lolo. “He’s fine now, Uncle Ver. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga pa. He’ll be back kapag umayos na ang pakiramdam niya.” Tumango siya sa sinagot ko.
“So your father is handling your business for the mean time?” tanong niya ulit.
“Si Daddy naman po talaga. Lolo’s just there to guide him. Pero si Daddy at Mommy na po ang namamahala ng halos lahat ng negosyo ng pamilya namin.” magalang na sagot ko.
Napansin ko ang pakikinig ni Auntie Kristin na nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiksi UmumSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...