KABANATA 46 — Just This Once
Hindi ko mapaniwalaan ang mga sinabi ni Nash. Oo at naiintindihan ko siya ngunit wala pa rin sa isip ko ang mga dahilan kung bakit iyon ginagawa ni Terrence sa kapatid niya. Sa pagkakakilala ko kay Nash, hindi siya ang tipo ng babaeng magsisinungaling o manloloko ng kapwa niya lalo na kung malapit sa kanya. Kahit papaano, kahit mag-iisang buwan palang, may pinagsamahan na kami ni Nash. Hindi man para sa akin kaya niya ako binantaan pero na-appreciate ko pa rin ang pagsabi niya ng tungkol sa balak ni Terrence. Para ito sa kaibigan niyang si Vincent pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit sa akin ay nag-aalala siya.
Hindi ko gustong paniwalaan si Nash pero sa tuwing naaalala ko ang mga kilos ni Terrence noon, ang pakikisama niya, ang paglapit niya sa akin, at ang madalas niyang pagpapaselos kay Vincent, humahantong ako sa desisyong maniwala nalang. Nakakagalit lang dahil may tiwala na ako kay Terrence. I have always thought that he was helping me. Kung hindi tulong ang lahat ng iyon, ano iyon? Pagpapansin? Pang-aakit? Gusto ba niyang malipat ang atensyon ko sa kanya?
Para akong trinatraydor sa tuwing tatakbo sa isip ko ang mga bagay na iyan. Niloloko niya ako. At hindi lang ako, pati kapatid niya.
Nakahalukipkip ako at hindi ko mapigilan ang sarili sa masasamang titig ko kay Terrence na nasa tabi ko. Gusto kong maiyak sa galit. Nanggigigil ako sa kasamaan niya. He’s a monster? I’m not yet sure. Pero sa oras na mapatunayan ko iyon, hindi ko alam ang magagawa ko sa lalaking ito.
Kitang kita ko ang kawalan ng gana sa mukha ni Terrence. Ngunit sa kabila noon ay nakikita ko rin ang pagkailang niya sa mga titig ko sa kanya.
What? Guilty ba siya? Alam kaya niya na sinabi na ni Nash sa akin ang mga balak niya?
“Stop staring, Ella.” Pamilyar ang pangungusap na iyon ni Terrence. Galit akong napangisi. May tunog iyon at narinig niya kaya sumulyap siya sa akin.
“Why?” tanong ko nang hindi pa rin inaalis ang titig ko sa kanya. Masamang titig ko sa kanya.
“Nawawala ako sa focus sa pagda-drive. Nakakailang ang titig mo.” Mas lalo akong galit na ngumisi. That line is really familiar. Kanino niya natutunan 'yan? Kay Vincent?
“Stop it, Terrence.” kinagat ko ang loob ng pisngi ko at huminga ng malalim nang may mamuong luha sa mga mata ko. Sumeryoso na ang mukha ko dahil hindi ko na magawang ngumisi kahit na hindi totoo.
“What? Wala pa tayo sa hotel.” Nilingon niya ako. Lumiko ang sasakyan at nasisilip ko na ang building ng hotel namin.
“I said stop. Stop everything.” Nagsalubong ang kilay niya at tumaas ang gilid ng labi niya.
“What are you saying, Ella? I don’t understand you.”
“Oh really? Hindi mo maintindihan?” sarkastikong bigkas ko na nagpalaglag ng panga niya. Biglaan ang hindi kontroladong paggalaw ko nang iliko niya ang sasakyan sa gilid at huminto. Isang bakanteng lote ang hinintuan namin. Ilang metro nalang, malapit na kami sa hotel.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Художественная прозаSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...