Kabanata 68

3.6K 94 7
                                    

KABANATA 68 — Drink

Nakarating kami sa bar ni Terrence. Napansin ko kaagad na umiilaw sa iba’t ibang kulay ang pangalan ng kanyang bar. Bermuda Bar and Lounge. Iba pa ito sa napuntahan ko noon na bar niya at mukhang mas bago.

Halos sabay sabay kaming lahat na nakarating dito. Si Zac ay sakay ng sarili niyang kotse, si Terrence at Nash naman ay sakay ng isang itim na audi. Nagtaka agad ako kung nasaan na ang blue audi niya.

Sinundan ko ng tingin si Terrence na diri-diretso ang pasok sa kanyang bar. Ngumuso pa si Nash dahil mag-isa siyang bumaba ng sasakyan.

Binalingan ko si Vincent. “My brother really has an attidude.” Sambit niya. Siniko ko na lang siya.

“Hayaan mo na. Baka may misunderstanding lang sila ni Nash.” Sabi ko na lang. Pinagmasdan ko si Nash na panay ang paglalaro sa kanyang kamay nang humarap sa amin.

Sumipol si Zac at kumindat matapos niya kaming makita pagkababa niya. Sumunod siya kay Terrence sa loob. Ang entrance ng bar ay napapagitnaan ng apat na bouncer at bago pumasok, napansin kong may pinapakita munang i.d ang mga tao. Umaalingawngaw ang ingay kada bubukas ang itim nitong pinto.

Pantay ang bibig ni Vincent nang hawakan niya ako sa kamay. Inaya na naming dalawa ang naiwang si Nash. Sabay sabay kaming lumapit sa entrance at unang kita pa lang ng bouncer kay Vincent ay tumango na ito at pinagbuksan kami.

Pagkapasok namin ay nabigla ang tainga ko sa ingay ng buong bar. Isang malakas na trance music ang tumutugtog at nasilip ko ang DJ na nasa mataas na stage na maliit lang at para sa kanya lang. Yumuyugyog ang ulo nito habang sumasabay sa musika.

“Terrence’s bar is good.” Sambit ni Zac na nasa kanan ko. Bigla bigla na lang siyang sumusulpot kaya medyo nagulat ako. Si Vincent ay hapit ako sa bewang dito naman sa kaliwa ko. “I suddenly missed my bar in New York.” Nguso niya.

“Then go home.” Sinamaan ko ng tingin si Vincent at tinaasan niya lang ako ng kilay. Umiling ako. Biro lang naman iyon pero nagmumukha siyang seryoso.

“Halos parehas ang mga type niyo para sa bar niyo, Zac.” Singit ko sa kanilang dalawa. “Kaya nga napagkumpara ko kayo noon. 'Yon pala magkakilala kayo.” Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Vincent sa bewang ko pero isinawalang bahala ko iyon nang magsalita si Zac.

“Yeah. Ako kasi madalas ang mag-suggest ng mga dapat na meron ang bar niya. This is not his thing at kakasimula pa lang niya sa business. So…” Ngumisi si Zac at ilang saglit lang ay wala na siya sa tabi namin. Nandoon na siya sa bar counter at kumukuha ng alak.

“Si Nash?” tanong ko kay Vincent nang mapansin kong wala na si Nash.

“Sinundan si Terrence.” Ngumuso si Vincent at nakita kong nasa isang mahabang sofa si Terrence at Nash dito sa dulo ng bar. Magkatabi sila at tila may seryosong pinag-uusapan. Umiiling si Terrence habang hinahagod ang buhok habang si Nash naman ay magkasalubong ang kilay. Hindi galit ang mukha niya kundi nag-aalala.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon