KABANATA 22 — Go
Nagising ako kinabukasan nang walang halong pait na nararamdaman. For the first time in five years, nanggaling ako sa isang magandang panaginip. Hindi ko alam kung bakit at kung anong ginawa ko kagabi para maging ganito ang paggising ko ngayong araw. It is like a new day for me. A new start.
Hindi ba’t kagabi lang kami nagkaharapan at nagkakomprontahan ni Vincent? Pero bakit ata parang wala lang sa akin ang nangyari ngayong sumunod na araw? Ang inaasahan ko’y dala dala ko pa rin ang sakit hanggang sa makatulog ako at sa panaginip ko. At ngayon ay tatamarin nanaman ako dahil nga nagagalit nanaman ako sa sarili ko. Pero hindi, e. Imbes na iyon ang maramdaman ko ay iba. Mas ginanahan akong tumayo, pumasok at magtrabaho. Hang over lang ba 'to? Dahil ba sa dami ng alak na nainom ko ay naanod nun ang lahat ng sakit na naramdaman ko? I don’t know. But whatever this is, I am happy that I am feeling this.
Siguro ito ay dahil sa ginawa kong pagharap sa problemang noon ay sinasarili ko lang. Problemang hindi ko na hinayaang malutas pa. Kundi ang ginawa ko ay pilit lang iyong tinakasan at tinakbuhan. Natuwa ako sa sarili ko dahil nagawa ko na ring i-open ang nakaraan kong iyon. Hindi man sa ibang tao ngunit sa sarili ko at sa lalaking dahilan noon. And I am proud of myself because of the fact that I already accepted it. Tinanggap ko na ito na nga ang katapusan sa amin ni Vincent.
Yes, I still love him pero natanggap ko nang akin na lang iyon at hanggang doon nalang ako. Mamahalin ko nalang siya nang walang hinihinging kapalit sa kanya. Ako nalang ang nakakaalam, ako nalang ang nakakaramdam.
Naalala ko ang mga pangyayari kagabi. Did I really have to do that to him? Iniwan ko siya nang hindi manlang siya pinagsasalita o pinagpapaliwanag. Naisip ko lang naman na para saan pa? Wala na rin namang magbabago sa katotohanang may anak na siya at… siyempre may nanay ang anak niya.
I saw the girl. With my own eyes and, until now, I can’t forget how beautiful she is. Maaaring marami nang nagbago pero noon, talagang maganda siya. Matangkad at morena. Very different from me.
Ayaw ko mang isipin 'to pero paano sila ni Vincent? Paano nung sila pa ang magkasama? Paano nung… ginagawa nila ang bata?
Tumayo ako ng kama at agad na dumiretso sa bathroom. Kinalimutan ko ang mga naisip. I woke up happy at itutuloy ko 'yon. Wala akong gagawing kung ano na makakasira ng maganda at maaliwalas na mood ko.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Matapos makapaghanda ay kinuha ko na ang bag ko sa closet at bumaba mula second floor ng may ngiti sa labi.
“Good morning, Ma’am Ella.” Bati sa akin ng isang katulong. Napansin ata nito na good mood ako kaya naman nakangiti ito ng malawak sa akin.
“Good morning.” Bati ko rin sa kanya. Nilagpasan ko siya at napagtuloy-tuloy ako sa dining area.
“Good morning!” bati ko sa mga magulang kong nakapwesto na sa hapag. Parehas silang nakatingin sa akin habang papalapit ako sa kanilang dalawa.
Hinalikan ko sa pisngi si Daddy at pagkatapos naman ay si Mommy. Seryoso ang mukha ni Daddy at si Mommy naman ay nakakunot ang noo pero nakangiti. Parehas silang nakatitig sa akin hanggang sa makaupo ako sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Ficção GeralSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...