KABANATA 21 —Crazy
“You sure?” mas lalo kong sinuri si Terrence. Hindi ko alam kung paano pero binabasa ko talaga ang mga sinasabi ng mga mata niya. Kahit na mahirap tumitig sa mga ganung klase ng mata ay ginawa ko pa rin dahil desperado na akong malaman ang katotohanan. Gusto kong malaman kung may alam ba talaga siya sa mga sikreto ng kuya niya.
“Who is Carrive anyway? Why are we talking about him?” tiningnan niya ang waiter at sumenyas doon. Matapos ay bumaling ulit siya sa akin. “Lalaki siya 'di ba? Carrive’s a guy’s name, I think.” Sabi niya sa akin.
Isang beses akong napailing dahil wala akong makitang kahit anong sign na nagsisinungaling sa akin si Terrence. He looked calm. Mostly sa mga nagsisinungaling, dapat ay hindi sila mapakali hindi ba? Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang litrato niya na naka-display sa loob ng bar counter.
Mukhang wala nga talaga akong makukuha sa kanya.
Nilapag niya sa harap ko ang isang baso na may lamang malinaw na likido. Siya naman ay may hawak na isang bote ng beer.
“I thought I’m not supposed to drink?” tanong ko sa kaya.
“That’s not an alcohol. It’s just water. Inumin mo nang mahimasmasan ka na. Ang pupungay na ng mga mata mo.” Sinilip niya ang mukha ko kaya naman napaiwas ako. “Ang pula na rin ng pisngi mo.”
Agad akong napahawak sa pisngi kong nag-iinit. Kung hindi pa siguro dumating si Terrence at kinausap ako, baka lasing na lasing na ako ngayon. Hindi ko na maalala kung nakailang baso ng tequila ba ako mula nung dumating ako rito. I don’t know if I should thank him or not. Maybe thank him for saving me at hindi ako malalasing ng sobra sa gabing ito.
Inabot ko ang baso ng tubig at ininom iyon. At nahimasmasan nga ako ng mainom ko iyon.
“Mikaella…”
“Ella nalang, Terrence. Mikaella’s too long. Hindi rin ako sanay.” Putol ko sa kanya.
“Alright. Ella?”
“Hmm?” tanong ko.
Bumuntong hininga siya at napalayo ako nang hawakan niya ako sa balikat.
“Gaano mo kamahal ang kapatid ko?” nagulat ako sa tanong niya kaya naman nakaawang ang bibig kong bumaling sa kanya.
Ngumisi siya at kinamot ang ulo. Tinaggal niya ang kamay sa balikat ko at ininom ang beer niya.
“I just wanna know. The way you look tonight… Nung nakita kita kanina, wala ka sa sariling umiiyak. And… I can see the pain in you.”
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Ficção GeralSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...