KABANATA 10 — Iba
“So!” panimula ni Natasha. Nakaupo na kaming lahat. Si DB sa kanto ng mahabang lamesa at si Natasha naman sa tabi ko. Sa kabila ko si Nerissa at Cody na parehas nganga kay Natasha. “Welcome to Fortune Fashions, Miss Mikaella Buenzalido Santos and…” sinilip niya si Nerissa at Cody sa gilid ko.
“Nerissa Lacsa po, Miss Ella’s personal assistant.” Sabi ni Nerissa.
“Cody Esteves, Miss Natasha. One of the designers of Ella’s boutique.” Sabi naman ni Cody.
“Wait, are you?”
“No, Ma’am.” Agad na sagot ni Cody kahit hindi pa natatapos ni Natasha sa tanong niya.
Natawa ako sa inasal ni Cody. Siguro ay inakala ni Natasha na bakla siya.
“Oh, okay.” Ngumisi si Natasha. “I just thought… Well nevermind. Welcome Nerissa and Cody.” Sabi niya. Bumaling siya sa akin. “Uhm… I guess I can call you Mika?” tanong niya sa akin na nagpagulat sa akin.
Nanlaki ang mata ko at napalingon ako sa tatlo pang kasama namin. Lahat sila ay nakabaling sa akin habang naghihintay ng isasagot ko kay Natasha.
No, I don’t like that name. Pero sasabihin ko ba?
“I think Ella is better, Nash. Pangbata ang Mika eh.” sabi ni DB at saka bumaling sa akin. “Right, Ella?” tumaas ang kilay niya. Siya ang sumagot para sa akin. Thanks, DB. Kahit wala ka namang alam sa iniisip ko.
Tumango ako. “Yes. Everyone calls me Ella. Mas sanay ako dun.” Sagot ko sa kanila.
“Okay. Ella.” Ngumiti siya. “I still can’t believe that you’re finally here in front of me. You have no idea how much I admire you and your works.” Sabi niya sa akin.
Ako naman, sobrang natutuwa sa mga naririnig ko sa kanya. She really admires me, huh? I feel so flattered. Parang ang laki laki kong tao para sabihin nila iyan.
“Thank you, Miss Natasha.”
“Oh, you can call me Nash. Dito sa Fortune Fashions, lahat pantay pantay. Walang mataas o mababa. Everyone is treated equally.”
Parehas pala kami ng pananaw. Ako rin ay ayokong may mataas o mababa kahit pa estado ng tao ang pinag-uusapan. I just don’t like the fact that when you’re not that high, sobrang baba na ng tingin sa’yo at halos dungawin ka nalang ng mga taong nakatataas sa’yo.
Masarap magtrabaho kung ganitong parehas kayo ng pananaw ng mga katrabaho mo.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiction généraleSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...