Kabanata 67

3.9K 88 3
                                    

KABANATA 67 — Celebration

Nasunod ang gusto ko at ni Vincent. We already decided when will be our wedding. Ngayon, ang problema na lang ay ang ‘where’. We still haven’t talked about the church where our marriage will be held. Ang gusto ko sana ay sa medyo malaki laking simbahan. Iyon din kasi ang gusto ni Daddy dahil marami raw siyang iimbitahan para sa amin. Pumayag naman ako sa gusto niya.

“But I only want a small church.” Nguso ni Vincent nang buksan ko ang topic na iyon. Kinunotan ko siya ng noo dahil maarteng boses niya na parang bata.

“Bakit? 'Di ba mas maganda kapag malaki? Maraming bisitang makakadalo sa kasal natin?” sabi ko.

“Uh-huh. Pero pwede naman sa reception na lang sila dumiretso. Babawi tayo sa reception. We’ll choose a big place where it can accommodate all the invited guests.” Suhestyon niya.

Pinag-isipan ko ang gusto niya. Nasa gitna pa rin ang isip ko. Mas maganda talaga kung malaking simbahan. At… gusto ko rin naman kasing maglakad sa mahabang red carpet. Iyon ang pangarap ko noon pa.

“Hey? You don’t like it?” tanong ni Vincent. Lumipat siya sa tabi ko. Nandito kami sa kwarto niya dito sa kanyang condo. Kanina ay magkaharapan kami at napapagitnaan ng mga wedding magazines na binili ko pa.

“It’s not that. Kasi…” tiningnan ko siyang sinisilip din ang mukha ko.

 

“Hmm?” Hinawi niya ang buhok ko at sinukbit iyon sa tainga ko.

“Gusto ko ng mahabang lalakaran.” Nguso ko at nag-init ang mukha ko sa hiya.

Kinagat ni Vincent ang kanyang labi at alam kong nagpipigil lang siyang tumawa. Pero hindi mapigil ang ngisi niya.

“Ako, gusto ko maikli lang.” Aniya habang titig na titig sa akin.

“B-bakit?” tanong ko.

“Para hindi na 'ko maghihintay ng matagal pa bago ka makapunta sa akin. Kakabahan ako nun, e.”

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba’t maganda nga iyong matagal bago ako makarating sa kanya? Para mag maramdaman namin ang moment at pagtititigan naming dalawa habang palapit ako ng palapit sa kanya? Tinaasan ko siya ng kilay. At tila nabasa niya ang tanong sa isipan ko.

“Baka sa tagal ng paglalakad mo, kung anuano pa maisip mo at takbuhan mo lang ako.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Gusto ko na sanang matawa pero hindi ko matuloy dahil seryoso siya. Nanunuot ang mga titig niya sa akin at para bang takot nga siyang mangyari ang nasa isip niya.

Tumango na lang ako. “That won’t happen. Ano ka ba.” Mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi ko na pinahalata ang tuwa ko dahil sa mga naiisip niya. Inangat ko ang kamay sa braso niya at hinimas ko iyon. “Alright. A small church will do.” Pagkasabi ko noon ay gumuhit ang hanggang taingang ngiti ni Vincent. Doon na ako natawa lalo na nang yakapin niya ako.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon