Kabanata 57

3.7K 84 5
                                    

KABANATA 57 — Kapatid

Lumapit si Vincent sa kanyang ina at inakay ito palayo sa amin ng wala man lang kung anong salita. Naiwan si Carrive at ako na ang may hawak sa nanginginig niyang kamay. Pinanood ko siya habang pinagmamasdan ang matandang nasa harap niya. Inangat ko naman ang tingin ko kay Uncle Ver na nakangiti at naluluha ang mga mata.

“Who is the kid, Ella?” wala sa sarili akong napabaling kay Mommy. Nasa gilid namin sila kasama si Daddy.

“Uh…” tiningnan ko si Uncle Ver na hinihintay ang isasagot ko. Wala akong nababasang pagtanggi sa kanyang mga mata. Hindi ko alam ang isasagot at hindi ko alam kung tama ba itong naiisip ko.

“K-kamag-anak nila Vincent.” Nautal pa ako dahil sa kaba. Tiningnan ko ulit si Uncle Ver at nakangiti siya sa akin ngayon. Tumango siya na parang sinasabing tama ang sinagot ko.

Tumango rin sila Mommy at ilang segundo pang pinagmasdan si Carrive bago bumaling sa akin.

“Halika na. Sama sama tayo sa table.” Aya ni Mommy. Nakaakay siya kay Dad na nakakunot ang noo sa akin. Kinabahan ako sa itsura ni Dad. Wala siyang tinanong pero sa tingin ko ay may iba siyang hinala.

Hindi pa ako nagsimulang maglakad dahil hinihintay kong kumilos si Uncle Ver. Gusto ba niyang makasama ang bunso niya? Ibibigay ko muna sa kanya si Carrive kung iyon ang nais niya.

“Sumunod ka na sa mga magulang mo, Ella. Thank you for coming.” Sabi niyang nakangiti pa rin at hindi sa akin nakatingin kundi sa bata.

Lumunok ako bago tumango. Mamaya pa siguro. I can see it in his eyes that he wants to spend some time with his son. But not yet. Kaya inakay ko si Carrive sa lugar kung saan kami.

“It’s him, right Ate Ella?” bumaba ang tingin ko sa kanya. Namumula pa rin ang mga mata niya at parang gusto niyang maiyak. Para sa isang batang ngayon lang nakita ang kanyang ama, hindi ito bago.

Nakangiti akong tumango. “Yes, Carrive. At magkamukha kayo.” Sagot ko sa kanya. Pinasaya ko ang boses ko dahil gusto kong iyon ang maramdaman niya. Dapat ay masaya siyang makita ang tunay niyang ama.

Ngunit wala siyang naging reaksyon. Naninibago ako sa kanya dahil dapat sa mga oras na ito, makulit at madaldal siya. Pero nananahimik lamang siya hanggang sa makarating kami sa table.

Wala pa rin si Vincent. Hindi ko rin namamataan si Auntie Kristin. Kung may pinag-uusapan man sila, hindi dapat sila maistorbo. Sa tingin ko ay sinisimulan na ni Vincent ang pagsasabi nito sa kanyang ina. Upang mamaya, kapag in-announce na si Carrive sa buong pamilya nila, hindi ito magugulat.

Pinanood ko si Carrive habang pinaglalaruan ang kanyang daliri. May mga bilin si Vincent sa kanya kanina. Hindi ko alam kung sinusunod ba niya iyon o nahihiya lang siya sa dami ng tao ditong ang ilan ay kamag-anak niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon