KABANATA 44 — Mang-aagaw
Palingon lingon ako kay Terrence at ganun din siya sa akin. Kada mapapatingin ako sa kanya ay mahuhuli ko siyang nakasulyap sa akin at saka iiwas. Kumukunot ang noo ko sa tuwing maiisip ang sinabi niya kanina. Totoo bang si Vincent ang may gusto nito?
“Kailan mo nakausap si Vincent?” pagtanong ko nito ay agad na nanigas ang isang braso niya na nakahawak sa gear.
“K-kanina.” Maikling sagot niya.
“Bakit kailangan ko pa raw sa’yo sumabay?” tumingin ako sa likod ng kotse matapos kong itanong iyan. Nakalayo na kami sa service bus na dapat ay sasakyan ko. Nauuna ang kotse ni Terrence doon. “Alam mo ba kung saan ang first stop namin?” tanong ko pa.
“He just wants to make sure na okay ka. And for your second question, of course alam ko.” saglit siyang tumingin at binalik din ang tingin sa harap.
Ngumuso ako sa kilos ni Terrence. Ang sungit niya ata ngayon. Last time na makita ko siya at nung mga nakaraan pa, makulit naman siya at madaldal. Minsan nga ay ako pa ang naiirita sa kanya. Pero bakit parang siya ngayon itong nagsusungit ngayon?
“Hindi ba ako magiging okay kapag ako lang mag-isa?” ginatungan ko pa ang mga nauna ko nang nasabi. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit si Terrence pa ang maghahatid sa akin. Okay pa siguro kung si Vincent mismo, e.
“Ayaw mo ba?” balik tanong niya. “Kung ayaw mo tatawagan ko na si Kuya para sabihin. And if he agreed, you can now join that bus.” Kinuha niya ang cellphone sa dashboard ngunit pinigilan ko siya.
“No. 'Wag na, Terrence.” Nilingon niya ako nang may blankong reaksyon at saka muling nag-focus sa pagmamaneho.
Ngumuso ako at nanahimik na. Naalala ko kasi ang sinabi ni Terrence na bilin ni Vincent. Nag-aalala lang naman kasi ako dahil baka naiistorbo si Terrence. Alam kong marami rin naman siyang ginagawa. Hindi ko man alam ang mga iyon pero base na rin sa galaw ni Terrence, sa pinapakita niya, isa itong malaking istorbo sa kanya.
Hanggang sa nakarating kami sa Tagaytay ay wala nang nagsalita sa amin. Naninibago na talaga ako sa kanya. Huli kaming nagkausap nang nasa party kami at matapos nun ay ngayon nalang ulit. Hindi ko na siya nakausap nang maayos matapos nun.
Inayos ko na ang sarili ko at sinabit sa katawan ang sling bag nang lumiko si Terrence sa harap ng isang hotel. Wala manlang pasabi na huminto siya sa tapat ng entrance at lumabas ng kotse. Pinanood ko siyang hinagis sa isang hotel staff ang susi ng sasakyan niya bago dumiretso sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan.
Lumabas ako at siya agad ang sinulyapan ko. “T-terrence.” Tawag ko sa kanya. Lumingon siya at tinaas ang dalawang kilay. “May problema ka ba?” lakas loob na tanong ko. He’s not in good mood. Kanina pa. Hindi ako sanay sa kilos at pananalita niya.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
General FictionSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...