KABANATA 16 — Reunion
Nasa parking na ako ng grocery nang mapagdesisyonan kong tawagan si Zac. Kanina ko pa siya gustong makausap pero hindi ko magawa dahil sinasanay ko pa ang sarili ko sa bagong kotse ko. Hindi pa ako sanay na mag-drive dito habang may kausap sa cellphone. Baka mawala lang ang concentration ko at may masama pang mangyari.
Napangiti nanaman ako nang maalala ang ginawa para sa akin nila Daddy at Mommy. Later when I got home, magpapasalamat ako sa kanila. Iyan nga rin ang dahilan kung bakit sa grocery ang bagsak ko.
Inintay kong may sumagot sa kabilang linya. Nasa labas na ako ng kotse at nakasandal ako roon habang nag-riring.
“Hello?” medyo slang na sagot ni Zac sa kabilang linya. Napangiti ako kaagad ng marinig ang boses niya. He doesn’t know my number kaya hindi niya alam na ako ito.
“Hello?” salita ulit niya. Narinig ko pang tumikhim siya.
“Hi, Mr. Zachary Morris.” Bati ko sa kanya nang may tuwa sa boses. Nami-miss ko na ang best friend ko!
“E-ella? Hello, Ella? Is that you?” rinig ko ang gulat sa boses niya. I assume he didn’t expect this.
“Uh-huh.” Nangingiting sagot ko.
“Oh, God! I miss you, woman! Bakit ngayon ka lang tumawag?” natawa siya sa sarili niya. “I’ve been waiting for your call. Hindi mo binigay ang Philippine number mo.” Narinig ko ang pagpalatak niya at tinawanan ko siya.
“Sorry. Busy, e.” sagot ko. “Nagsimula na ko sa work. Ang saya, Zac!” natutuwang balita ko sa kanya. He knows how much I wanted this kaya alam kong matutuwa siya sa balita.
“Really? That’s good!”
“Uh-huh.” Tumango ako. “And you know what?”
“What?”
Napangiti nanaman ako nang maalala ko ang binanggit ni Nanay Linda sa akin.
“I already had my freedom!” hindi ko mapigilan ang hagikgik ko habang sinasabi iyon. Para akong batang tuwang tuwa dahil hinyaan na akong maglaro ng mga magulang sa sa labas ng bahay. Iyon mismo ang nararamdaman ko. “Hindi na ako kinokontrol nila Dad at Mom.”
“Oh, damn. That’s good news, lady! I can almost see your happy face here. Sana nandyan ako para mag-celebrate tayo.” Natawa ako sa sinabi niya.
“Yeah. I wish you were here, too.” Huminga ako ng malalim. I really miss Zac. Ganyan siya parati. Konting kibot, basta masaya kaming dalawa o kaya may mangyaring maganda, magpa-party na agad kami. Palagi kami sa bar niya kapag gagawin 'yon. At dahil masaya siya, libre ang lahat ng sino mang nasa bar niya. Mapagkaibigan man o customer lang.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Художественная прозаSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...