KABANATA 28 — Underwear
Sa biyahe ay panay lang ang tinginan namin ni Vincent kesa ang mag-usap. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya tungkol kay Carrive, ang bunsong kapatid nila ni Terrence. Like, does Terrence know anything about this? Nung gabi kasi na lasing ako, naalala kong tinanong ko siya kung may kilala ba siyang Carrive. And his answer was no. Ang akala ko noon ay baka pinagtatakpan lang niya ang kuya niya. Because that time, I thought that the boy was Vincent’s child. Pero hindi naman pala. Kapatid nila itong dalawa sa tatay nila.
But I think I should not open it now. Not again. Meron pa namang ibang panahon para roon. Baka masira lang ang mood ni Vincent. Alam kong hirap siyang magkwento tungkol dito. Kaya naman iintindihin ko na muna siya.
“Mika, where do you want to go?” napatingin ako kay Vincent nang magtanong siya. Tiningnan ko ang labas. Medyo malayo na rin ang nabyahe namin pero sa tingin ko ay Tagaytay pa rin ito.
“Hmm.” Ngumuso ako. “Wala naman akong alam na lugar dito.” Sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya at sinulyapan muna ako bago muling tumingin sa daan. “Alam ko na kung saan pwede.” Sabi niya. “I’ll buy you clothes. Then we’ll eat. Para pagdating natin sa Villa Mikaella, magpapahinga nalang tayo.” Ngumisi siya at nag-init naman ang pisngi ko.
Naasiwa ako nang sabihin niya ang villa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin niya ipinangalan iyon. I don’t know the reasns behind it. Paano iyon naging Villa Mikaella. Pinagawa ba iyon ni Vincent? Siguro ay itatanong ko nalang ang lahat ng ito sa kanya pag-uwi namin mamaya.
Lumiko siya hanggang sa marating namin ang isang eskinita na puno ng tao. Sa tingin ko ay palengke ito. Nagtataka ang mga tingin ko kay Vincent.
Nakataas lang ang isang labi niya habang iniikot ang buong street. Mukhang naghahanap siya ng pwedeng maparkingan ng sasakyan.
Tumingin ako sa paligid. First time ko atang makapunta sa ganitong palengke.
“Ba’t dito, Vincent?” tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga taong tumatawid. “Wala naman atang mall dito?” sabi ko. Sa liit kasi ng lugar, sigurado akong walang nakatayong mall dito.
“Dito tayo mamimili.” Tiningnan niya ako at humilig siya sa akin. “I know it’s you first time here.” Sabi niya.
Kumunot ang noo ko at tumingin ulit sa labas. “Okay lang ba na dito? I mean…” tiningnan ko ang suot ko. Naaasiwa ako sa itsura ko. Lahat ng mga tao ay naka-jacket at nakapantalon dahil nahangin at malamig. Samantalang ako ay naka-long sleeve lang at naka-short shorts pa.
Hindi sa nag-iinarte ako sa lugat. Itong suot ko lang talaga ang inaalala ko.
“Hindi kasi dapat ganyan ang mga sinusuot mo, e.” puna niya sa akin. Nabasa niya siguro ang iniisip ko.
“E-eh hindi ko naman alam na pupunta tayo rito. Saka sa resort kaya dapat ang punta ko kaya ako nakaganito.” Ngumuso ako dahil pakiramdam ko ay naiinis siya sa akin.
“It’s fine. Mamaya ibibili kita nang mas maaayos na damit.” Sabi niya habang tumatabi sa isang bakanteng paradahan.
“May pera naman ako. Ako na bibili.” Medyo asar na sabi ko.
Kung makasalita siya parang ang laki ng kasalanan ko nang magsuot ako ng ganitong damit. Sumusunod lang naman ako sa fashion! Hello! Designer ho ako! At isa pa, mainit sa Maynila. Hindi ko naman alam na pupunta kami sa ganitong lugar na iba ang klima.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiksi UmumSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...