Kabanata 11

7.6K 119 4
                                    

KABANATA 11 — Fairy Tale

Umatras ako. Dahan dahan dahil hirap akong pagalawin alin man sa dalawang paa ko. Hinawakan ko ang pendat ng kwintas ko na nailabas ko kanina. Dali dali ko iyong tinago. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Nash dahil sa ginagawa ko. Kumunot ang noo niya at umawang ang bibig na parang may sasabihin nang magsalita si Madam Kristin.

“Why are you here? Your father told me that you are with him.” Sabi ng matanda. Parang biglang na-dissolve ang pagiging masungit nito nang makita ang… anak.

“I was with him. Pero sinundo ko kasi 'tong si Carmela kaya hindi na ko nakasama sa last meeting dapat naming dalawa with the investors.” Pagkasabi nun ni Vincent ay tumingin sa akin si Madam Kristin at kumunot ang noo. Matapos ay binalik ulit kay Vincent at sa babae nito ang tingin.

Kinabahan ako. Kilala ba ako ng nanay ni Vincent? Nabanggit ba niya ako dito dati? Maaari kayang alam niya ang naging relasyon namin? Kahit na maikling panahon lang iyon, ano kayang alam ni Madam Kristin?

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pag-alis. Gusto kong makinig. Gusto kong malaman ang pag-uusapan nila. Sinundo niya ang babaeng kasama niya na Carmela ang pangalan. Bakit? Ano niya ito? Kapatid? Kaibigan? O… Kasintahan? Pero hindi… Hindi siya ang babaeng iyon.

But I know I don’t have the right to listen neither to know what is with Vincent and this girl beside him. And besides, he doesn’t even aware that I’m just a meter away from him.

Tumalikod ako. Sa wakas ay nagawa ko. Sa wakas ay nailakad ko ng maayos ang mga paa ko. But destiny really wants to play games with me and she wants me to lose.

“Ella!” tinawag ako ni Nash. No, I don’t want to turn around, please. Pwede bang siya nalang itong lumapit sa akin kung may kailangan siya o sasabihin? “Ella, come here.”

And yeah. Who am I to decide? Eh tauhan lang naman ako sa lugar na ito.

Mabagal akong naglakad pabalik habang nakayuko. Hindi ko alam kung nakikita na ba ako ni Vincent. Ayokong tumingin pabalik kung ganun. Kaya naman si Nash lang ang tiningnan ko. Hindi ko inisip na may iba pa kaming kasama.

“Y-yes, Nash?” nanginig ang boses ko pero binalewala ko iyon.

“Uhm… I… samahan na kita pabalik ng opisina mo. Gusto kong mag-usap tayo sa theme ng fashion event this August para alam mo na kapag gumawa ka ng designs mo. I think it could help.” Sabi niya. Parang hindi mapakali ang itsura niya dahil pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa iba pang nandito.

“Sure.” Isang salita but I took all the confidence para hindi pumiyok nang sabihin ko 'yan. Hindi nila maaaring mahalata na nagwawala ang sistema ko ngayon dahil sa lalaking ilang pulgada nalang ang layo sa akin.

Hinawakan ni Nash ang braso ko at iginiya ako paalis sa tatlo naming kasama. I was not  looking in either one of them.

“Wait…” and there it is again. What now, destiny?!

Hindi ako lumingon. Si Nash ay huminto kaya ganun din ako. Pero hindi ako lilingon.

“Yes, Vincent?” pumikit ako nang banggitin iyon ni Nash. I was expecting that I am just dreaming. Na nai-imagine ko lang ang lahat ng ito at hindi ito totoo. But with Nash holding my arms and uttering his name, it is impossible that I’m only imagining this. 

“Ella. Mikaella Santos.” Walang emosyon. Just… He just said my name with no emotions at all. Walang lungkot, gulat, saya, o ano pa man. Blanko at mas tamang sabihing malamig ang tono niya nang bigkasin ang pangalan ko. Which, as far as I can remember, never happened before.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon