Kabanata 7

8.9K 132 9
                                    

KABANATA 7 — Wedding Gowns

Kinabukasan ay hindi ko madilat ang mga mata ko. Ngayon naka-sched ang meeting ko with the representative of Fortune Fashions but I’m a mess. Bakit naman kasi ako hindi magiging ganito kung kagabi ay hindi ako makatulog at puro iyak lang ako.

Tiningnan ko ang hawak kong kwintas. A gold necklace with a sunflower pendant.

Kagabi, lahat ng alaala ay nagbalik sa akin. Nag-flashback lahat at malinaw pa rin ang bawat pangyayari sa akin. He gave me this necklace on his birthday. Espesyal sa akin ang araw na 'yon dahil 'yon ang unang pagkakataong sinabi ko sa kanya na mahal ko siya. Iyon ang regalo ko sa kanya noon. Nagulat nalang rin ako nang may ibinigay rin siya sa akin at iyon nga ang hawak kong kwintas ngayon.

Mula nang umalis ako ng Pilipinas, hindi ko na sinuot ang kwintas na ito. He told me that this symbolizes his love for me. But is it still true until now? Sa kabila ng nangyari noon, mahal pa rin ba niya ako? O minahal ba niya talaga ako? I wanna know the truth but I don’t have the courage to ask him. It’s just too painful, lalo na kung hindi ang inaasahan ko ang magiging paliwanag niya. I don’t want to hear from him that everything that had happen to us were all just a beautiful lie. Isang pangyayaring hindi panghabambuhay dahil puro kasinungalingan lamang iyon.

Kaya nga mas maiging hinubad ko nalang ito. Isa nalang ito sa magagandang alaala ko na minsan sa buhay ko, nagmahal ako. Isa ito sa mga naging instrumento ng pagsisinungaling niya sa akin na mahal niya ako. My love is true but his, I don’t have any idea and I don’t want to know it anymore.

Last night, I tried to forget everything. Lahat ng nangyari kagabi ay iisipin kong panaginip lamang. Gaya ng pagkalimot ko sa mga panahong kasama ko siya five years ago. Those were the most beautiful dream I ever had and when I woke up, I just thought of it as a nightmare. A beautiful tragic nightmare.

Inayos ko ang sarili ko nang may kumatok sa pinto. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita sila mommy. Hindi na rin ako umasa na sila ang nasa labas ng pinto. Pero nagkamali ako ng iluwa noon ang ina kong nakangiti sa akin.

“Anak!” halos patakbo siyang lumapit sa akin, umupo siya ng kama at niyakap ako. “It’s good to see you again.” Ngumiti ako sa sinabi niya. Dinamdam ko ang mga salita niya.

I feel bad and this is what I needed. Comfort from someone who really cares for me. At kahit naman na may tampo ako sa nanay ko all these years, alam kong isa pa rin siya sa mga taong tunay akong mahal at walang ibang gusto kundi ang ikabubuti ko.

“You, too, Ma.” Sabi ko sa kanya at niyakap rin siya. Pinikit ko ang mata ko at niramdam ang yakap ng isang ina. Kailangan ko ito ngayon, kahit saglit lang.

“Are you ready for today’s meeting? I heard kakausapin mo daw ang representive ng Fortune Fashions?” kumunot ang noo ko.

“Opo. Sino pong may sabi…”

 

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon