Pagkilala -- 2

1.9K 143 381
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tinawagan ko si Ajira para palitan muna ako sa kaha nang panandalian. Kailangan kong makausap ang dalawang 'to lalo na't mukhang pinagti-tripan nila ako.

Sinenyasan ko silang sumunod sa 'kin papunta sa pintuang magdadala sa 'min sa likod ng shop. Sa init ng ulo ko ngayon, hindi ko sila puwedeng kausapin sa loob.

I crossed my arms as soon as the back door closes. "Sa palagay niyo ba nakakatawa 'tong prank na ginagawa niyo sa 'kin?" Halos umusok na ang ilong ko sa galit pero nanatili pa rin silang kalmado. "At talagang sinundan niyo pa ako sa trabaho ko? Ano bang palabas 'to? Nasaan na mga camera?"

Kitang-kita ko sa mukha nila ang pagtataka. Nagtinginan sila at nagsenyasan pa hindi nila alam ang pinagsasasabi ko. Sa hindi nila pagsagot , unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkahiya. Nagwawala yata ako't nagagalit sa bagay na hindi naman dapat.

The one named Titus sweetly smiles as he stares at me while the one named Orion was already covering his ears. Nabingi ata sa akin.

"Hindi ba 'to joke?" Kinalma ko ang sarili ko. They both shook their head in dismay.

Halos hingin ko na sana lamunin na ako ng lupa.Nakakahiya!

"Miss Esmé," Titus stepped up. "You're just an ordinary human being but not anymore."

"What are you talking about?" I asked in confusion.

"You're a legend. The moon last night awakened the blood of cosmos resting inside your body." Sabat ni Orion. "Nasa iyo ang lakas na ibibigay mo sa kung sino man ang piliin mo sa amin." He continued.

"But the Kreepers want that power of yours. They will suck it out of your body until you die." Ani Titus.

Are this people for real? Baka naman modus?

"Sige, let's say what your saying is true," Sinakyan ko ang kabaliwan nila. Deep inside may takot na akong nararamdaman. Pero hindi ko dapat ipakita sa kanila. Baka isipin nila nadadig nila ako.

"Anong role ninyo sa palabas na 'to?" Pagsusungit ko.

Umiling-iling si Orion at napakamot pa sa ulo bago sagutin ang tanong ko.

"One of us should be your husband at once." Orion gave me the look of a player. Kapal ng lalaking ito. At ano itong pinagsasasabi niyang mapapangasawa ko.

"Ikaw ang magbibigay sa 'min nang walang kapantay na lakas na magiging sandata natin sa pagtalo sa Prime Kreeper." Titus added.

I breathe in deeply putting my both hands on the air, silently asking them to stop their craziness.

"Ano 'to sa dugo? Blood donation? Or you want to suck my blood? Mga bampira ba kayo? Whatever that is, just do it! Wala akong panahon sa ganito. Mga kuya please lang."

Lumayo ako sa kanila at naglakad sa pasilyong tambakan lang ng mga old stocks of books, torned books at gamit na wala nang pakinabang.

Hindi ko inisip na sa lugar pala na iyon ay may nagtatagong panganib. Panganib na kung saan binalaan na ako pero hindi ako naniwala.

Then suddenly a petrifying creature jumped in front of me. It has a pair of dark eerie eyes stared at me. As if I am a food for his hunger. Like I was being pulled into another dimension.

I wanted to go back to where I came from but I was too late. Its two dark, viscous thin arms of the monster grabbed me. Its pungent smell remained in my nostrils.

"Bbblood. .Cccosmos. ." It was forcing its mouth to open though it was sewn tightly.

Nanginginig ang buong kalamnan ko sa takot kalakip ang buhos ng mga luha. My fear grew stronger when its dark eyes suddenly became blood red in color, creating a liquid flowing to mine. Ang natitirang lakas ko ay bigla na lang nawala. Dahilan kung bakit hindi na ako nakapalag pa. I almost lost my senses.

But Orion came in rescue. He slashed the monster using his bare hands spliting in into two. Titus came right after to take and hold me, creating a ball of fog to bring back my senses. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hinati ni Orion ang halimaw gamit lang ang kanyang mga kamay at matutulis na kuko habang si Titus naman nagpapakawala ng hamog mula sa kanyang kamay.

Tama nga ba ang mga kwento nila? Totoo bang hindi na ako isang ordinaryong tao?

Ang akala kong katapusan ng halimaw ay hindi pa pala. Ang katawan ng halimaw ay naging dalawa at tuluyang naghiwalay at naging ganap na dalawang halimaw.

"Nagpapasikat ka ba Orion?" May inis sa tono ng boses ni Titus.

"Natural!" Kumindat pa sa 'kin si Orion.

Muling sumugod si Orion sa dalawang nagngangalit na halimaw. Lumabas sa magkabila niyang kamay ang bola ng apoy. Magkakasunod na pag-atake ang ginawa niya sa dalawang halimaw na halinhinan niyang pinatamaan. Sa bawat pagtama nito ay siya namang paglaho ng parte ng halimaw kung saan ito tinamaan.

Sa bawat laban ng halimaw ay siya namang pagnginig ng katawan ko. Napapakapit ako sa damit ni Titus dala nang pagkagulat. "Huwag kang matakot, naglalaro lang yang si Orion. Mababang klase lang ng Kreeper ang mga 'yan." Ani Titus na hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin.

"Titus! Hayaan mo siyang manuod sa 'kin! Nagpapasikat nga ako eh!" Ani Orion na nagagawa pa kaming tignan ni Titus kahit pa nakikipag laban siya. Inilapit ni Titus ang kanyang ulo sa 'kin upang bumulong.

"Sadyang mayabang si Orion, isang mabigat na dahilan para hindi siya ang piliin mo." Ngumiti si Titus sa 'kin. Walang bakas ng pag-aalala sa labanan na nagaganap sa harap namin.

Tumigil si Orion sa pag-atake sa kalaban at tinignan kaming dalawa. "Narinig ko 'yon." Tila nagalit siya dahil lumakas at lumaki ang apoy sa mga kamay niya.

"Tama na ang paglalaro." Mayabang niyang saad.

Ang malalaking bola ng apoy ay nagkaisa at naging isang malaking kadenang apoy. Dinerekta ito ni Orion sa dalawa niyang kalaban na humila sa mga ito papalapit sa kanya.

Ang katawan ng mga Kreeper ay numipis na dala ng mga pag-atake ni Orion. Matagumpay na hinihigop nang apoy hanggang sa ang ulo na lang ang matira. Mula sa mga ulo na iyon ay lumabas ang itim na kaluluwang tuluyang nasunog sa apoy ni Orion. Napasubsob ako sa dibdib ni Titus dahil sa nakakatakot na pangyayaring nasaksihan ko.

"Ano? Naniniwala ka na?" Orion came to us, cleaning his bloody hands. The ball of smoke depleted, giving a way for Orion. Luhaan akong tumango sa kanya. Removing my grip from Titus shirt. Lumapit si Orion sa 'kin at sinubukan akong bigyan ng yakap.

"Huwag, please." Kahit pa bumalik na ang lakas ko ay hindi ko magawang maging masaya o kahit man lang magalit. My body might be at its best condition but my mind isn't and so was my heart. I don't understand why is this happening. "I have to go back inside. May trabaho pa ako." I said emotionless.

"But we must –" Hinabol ako ni Titus pero pinigilan siya ni Orion.

"She'sin shock. Hayaan na muna natin siya." I heard him before closing the backdoor leaving them behind.    

    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon