"H-huwag..." mahina kong wika.
Pakiramdam ko sa bawat segundong lumilipas lalong nalalanta ang katawan ko. Hindi ko na magawang makatayo.
"Orion..." papundat-pundat man ang mga mata ko. Malinaw pa rin sa akin nang makita kong tumayo si Orion.
"Ikaw ang tatapusin ko!" Sigaw niya sabay sa malakas na pulang awra na lumabas sa katawan niya.
Nakatayo si Orion at pinaulanan ng suntok si Leo. Sa bawat suntok niya ay naglalabas ng apoy ang kanyang kamao ngunit matagumpay na naiiwasan ni Leo.
Hindi nagpadaig si Leo na muli na namang gumawa ng mga matatalim na hanging korteng bumerang. Halinlinan niyang inutusan ang mga ito na kitilin ang buhay ng mahal ko.
"Parang awa niyo na... tumigil na kayo..." Ang panghihina ng katawan ko ay hindi ko na maipaliwanag. Kahit maupo man lang ay hirap na hirap na ako. Nanlalambot ang mga kamay ko't tila bumabagsak na maging ang ulo ko.
Tinamaan sa balikat at tagiliran si Orion dahilan upang bumagsak na naman ang katawan niya sa lupa.
"Sinasayang mo lang ang oras ko." Ani Leo.
I tried calling his name but he won't hear me. But I heard Orion's grunting in pain as he tries to stand up again.
Pero hindi siya hinayaan ni Leo na makatayo pa. Mabilis na lumipad si Leo patungo sa kanya.
He stepped his foot onto Orion's back, pinning him hard against the dirt. "Kaya kong pabalikin ang lakas ni Esmé. Hindi ka niya kailangan. Hindi niya kailangan ang cosmos!"
Leo eyes are raging in anger. Hindi ko makita ang mabait at pilyong Leo na nakilala ko.
Itinukop ni Leo ang kanyang kamay sa nakasubsob na katawan ni Orion. As if signaling his body to kill him. Enraged winds started to form into his palm. In a few blinks, I saw that vigorous wind pounded onto Orion. Sobrang lakas na halos matakpan ang paningin ko sa nagliparang buhangin at mga bato.
Naging malabo ang paligid nang dahil sa alikabok. Just as I feared, as soon as the dirt vanished from the air, Orion body buried down a big hole that the wind created.
"H-hindi... Hindi pwede..." Lahat ng lakas ko ibinuhos ko para lang makaupo. Nagnanais na makita ko, kahit maaninag lang ang katawan ng mahal ko.
Ngunit sa lalim at laki ng hukay na gawa ng kapagyarihan ni Leo ay tila imposible ang nais ko.
"Orion!!"
Kasabay ng luha ang bugso ng damdamin ko. Sa wari ko'y winasak ang kalahati ng puso ko. I closed my eyes, sucking the pain deeper. Ang mahal ko, wala na ba ang mahal ko?
Unti-unting umiikli ang hanging nasasagap ko dahil sa mga luhang sumasabagal sa paghinga ko. Orion, kahit kamay lang niya ang makita ko, malaman ko lang na buhay siya. Ngunit kahit anong tingin ang gawin ko ay wala akong makita. Kahit damit niya, wala talaga.
Ikinatatakot ko, paano kung tuluyang naging abo ang mahal ko?
Lumapit si Leo sa akin. "Huwag kang mag-aksaya ng luha para sa kanya. Ang pagmamahal ko ang makakatulong sa iyo. Wala ng iba."
Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko. Pero imbes na luha ay dugo ang pumahid sa kamay ko.
Dumudugo na naman ang ilong ko. Pero hindi iyon ang ininda ko, hinding-hindi ko mapapatawad si Leo sa ginawa niya kay Orion.
Naging galit ang pagsusumamo ko sa pagkawala ni Orion. I was weak but the anger inside me kept me going.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi na kita kilala Leo!" Ang sakit ay naging galit. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit sa puntong iyon. Basta ang alam ko, muli na namang nangyayari ang lahat dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...