Tulala kong binuno ang oras sa trabaho. Maraming libro akong nabitawan, hindi ko makausap ang mga costumer nang maayos at hindi ko kinakausap si Ajira kahit pa si Rocco.
Lumilipad pa rin sa utak ko ang nakita ko. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari at lalo na sa mga nalaman ko. Nahihirapan tuloy akong malaman kung alin ba ang totoo sa mga nakikita ko at alin ba ang galing sa mundong hindi ko pa lubos na kilala.
At dahil kitang-kita nila na wala ako sa sarili, dinala na lang ako ni boss Rocco sa trabaho kung saan hindi ko kailangan kumausap ng costumer. Habang si Ajira ang pumalit sa 'kin sa pagkakaha.
May mga bagong deliver na libro na kailangan ilagay sa tamang shelves at doon ako nagtrabaho.
Facing these heavy boxes, cutting them open kept me seeing the bloody monster Orion killed. Hindi ko kinaya at inilayo ko na lang muna ang cutter at binuksan na lang ang mga kahon gamit ang ballpen na palagi kong dala pag nagtatrabaho.
"Emsé, okay ka lang ba?"
Hawak ko ang mga bagong deliver na libro nang bigla na lang lumabas mula sa kung saan si Ajira.
Nagulat ako sa boses niya't nakuha pang tumapon ng mga hawak kong tumpok ng libro. Dali-dali kong pinulot ang mga iyon. "Kanina ka pa ba d'yan?" Sa pagkaka alam ko kasi nasa kaha siya, na halos tatlong kwarto ang layo mula sa 'kin.
"Kadarating ko lang. Nag-aalala kasi ako sa mga ikinikilos mo. Ginulo ka ba ng mga lalaking iyon?"
Mabait na katrabaho si Ajira, sa halos isang taon naming pagtratrabaho ng magkasama ay naging kaibigan ko na rin siya.
"Medyo, pero kaya ko ng ayusin 'yun. Baka sumakit lang din ang ulo mo katulad ng nangyayari sa 'kin ngayon." Agad kong binawi ang kamay ko nang maramdaman ang pagdiin nang cutter sa palad ko.
"Aray!" Dumaloy ang kaunting dugo mula rito, mabuti na lang at may panyo ako sa bulsa na agad ko pinantakip sa sariwang sugat.
"Ajira?" Nakita kong tila pinagmamasdan niya ang dugo sa kamay ko.
"Huh? H-hindi ka kasi nag-iingat," Aniya na umiiling pa. "alam mo mabuti pa, magpaalam ka na kay Sir Rocco na umuwi na muna. Panigurado naman papayag 'yun."
"Susubukan ko."
"Hugasan mo na 'yang sugat mo baka magka-impeksyon pa 'yan. Babalik na ako sa kaha." Mabilis na umalis si Ajira.
Sinubukan kong gawin ang huwesyon ni Ajira. And luckily, just like she said, pumayag si boss Rocco. He even wanted to bring me home but to me it was too much so I said no. Kaya ko namang umuwi mag-isa, susubukan ko na lang na huwag na munang isipin ang nangyari.
The sun was just setting and the warm breeze of the wind kept me comfy. Sa mga panahon na ganito, ang gusto ko lang kumain ng ice cream habang naglalakad pauwi.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...