Halos tatlong buwan kaming natulog ni Orion sa totoong mundo. Pagkagising namin ay wala kaming maalala sa kung ano ba ang mga nangyari matapos ang naging pagkikita namin sa malaking hardin.
Si Iñigo ang nagpagaling sa 'min mula sa iba't ibang sugat na natamo mula sa labanan. Habang si Titus naman ay sumumpa na magiging tagapagtanggol ng Hirang at ng Alamat.
Sa tuluyan naming paggaling ay dinala ako ni Orion sa mundo ng mga Henki. Halos sila'y may mga tengang karaniwang makikita sa mga hayop sa mundo ng mga tao. Mababait sila't malugod nila akong tinanggap sa kanilang mundo.
Kinunsulta namin sa kanilang mga nirerespetong nakatatanda ang kakaibang kapangyarihang lumabas mula sa puso ko.
Ngayon lamang daw nila iyon nasaksikan sa loob ng kanilang mahahabang buhay at hindi rin nila iyon inaasahang posible sa isang tao na katulad ko.
Pangako pa nilang, hindi sila titigil sa pag-aaral sa kung ano ang eksaktong nangyari para lamang maipaliwanag iyon sa 'kin. Tumanggi ako at hiniling na huwag na nilang gawin iyon. Ngunti wala na raw silang pwedeng gawin kung 'di sundan ang hiling ng Alamat.
Nakonsenya tuloy ako, mabuti nalang sana hindi na ako nagsalita tungkol doon. Hindi na sana sila nagugulo nang dahil sa 'kin.
Inalam ni Orion kung nasa dugo ko pa ang Blood of Cosmos. Walang kahit na anong prowerba si Orion kung tuluyan na nga bang namatay ang cosmos sa kanilang labanan.
Sa pinaka matandang Henki kami nagtungo para magtanong tungkol sa Blood of Cosmos. Hinawakan lamang niya ang palad ko't pinakiramdaman. Matapos ang ilang sandali ay umiling ito't sinabing wala itong makitang kakaiba sa dugo ko.
Masayang marinig na sa wakas ay tapos na ang kakaibang pangyayari sa buhay ko. Makakabalik na ako sa normal kong buhay. Normal man pero hindi na malungkot hindi katulad noon.
Dahil kasama ko na ang nilalang na pinaka mamahal ko.
Halos lahat ng Henki ay sumama sa paghatid sa amin sa lagusan papuntang mundo ng mga tao. Lahat sila'y nagpapasalamat sa amin ni Orion. May ilan pang nagbigay ng bulaklak bilang pasasalamat.
"Sana sa inyong pagbalik mayroon na kayong tagapagmana!" Sigaw ng kung sino man mula sa malaking kumpol ng mga Henki.
Nagsigawan ang iba at sumang ayon sa narinig na hiling mula sa kanilang kalahi.
Hindi ko maiwasang mamula at maging si Orion ay ganoon din. Mabuti nalang at nadoon si Titus at ginawan ng paraan ang hindi kumportableng kaganapan.
"Kailangan ng magpahinga ng Alamat at Hirang." Aniya matapos ay pinauna kami sa lagusan.
"Mabuhay kayo!"
"Mabuhay!"
Pahina nang pahina ang mga boses nila habang kami dumaraan sa lagusan hanggang sa muli kaming makabalik sa bahay.
"Maligayang pagbabalik." Pagbati ni Iñigo. "Handa na ang inyong espesyal na hapunan."
"Tamang-tama!" Malaki ang ngiti ko. "Gutom na gutom na ako!" Sigaw ko habang papasok ng bahay.
"Sabay na kayo sa 'min." Pag-alok ni Orion sa dalawa.
Sabay na umiling sina Titus at Orion. "Kumain kayo nang marami at magpakabusog 'pagkat espesyal ang gabing ito."
Nakakaloko ang ngiti ni Iñigo nang mamataan ko. Ngunit bago pa man ako makapagtanong ay naglaho ang dalawa at iniwan kami ni Orion.
Pagbukas na pagbukas ko palang sa pintuan ng bahay ay napanganga nalang ako sa nakita.
Puno nang nakasinding kandila ang bahay. At may mga talulot ng bulaklak sa sahig. Sandaling nagtama ang mga mata namin ni Orion pero mabilis ding naghiwalay.
"Ahh ... umm ... wala akong alam tungkol dito." Depensa niya agad.
"W-wala naman akong s-sinasabi ah." Pilit kong itinatago ang namumula kong mukha. "Kumain na nga lang tayo."
Tumambad sa 'min ang mga pagkaing hindi naman kadalasang inihahain ni Iñigo. May talaba, may saging, pakwan, tsokolate at iba pang nakakapag-painit ng katawan na putahe.
Napalunok ako sa naiisip na dahilan kung bakit ito nangyayari. At nang tignan ko si Orion ay pinagpapawisan na ito at pinapaypayan na ang sarili.
Muli na namang nagtama ang mga mata namin. Pero ngayon ay hindi bumitaw si Orion.
Huminga ito nang malalim at hinayaan ang sarili na makalapit sa 'kin. Nag-iba ang itsura at postura niya. Mukhang na aapektuhan na siya.
"Orion! Gutom na ako. Kumain na tayo." Hinablot ko ang kamay at iniupo ko siya sa kabilang dulo ng lamesita.
Hindi ko maiwasang tingnan ang mga mata niyang walang patid ang pagtingin sa 'kin. Halos hindi ako makasubo sa ginagawa niyang pagtitig. Bawat galaw ko pa nga yata ay inaabangan niya.
Ano bang iniisip niya?
Sa pag-ubos ko sa watermelon juice ay siya namang pagtayo niya.
"Tapos ka na?" Seryoso ang tinig niya na bigla nalang nagkapagpa-kaba sa 'kin.
Tumango nalang ako. Hindi ako makapagsalita sa ginagawa niya. Bawat hakbang niya ay tila kabog ng tambol sa dibdib ko. Hindi ko malaman kung galit ba siya o ano. Walang esmosyon sa mukha niya't mata. Pero ang napansin ko lang ay ang pamumula ng kanyang pisgni at ang tila pag-iinit ng aming paligid.
"Ako naman ang magpapaka-busog."
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...