Book2 ~ Hapdi ~ 4

384 38 9
                                    

Hindi ko kayang tignan ang sarili ko sa salamin matapos ang ilang oras nang saktan ako ni Orion. Gusto kong isipin na hindi siya ang nanakit sa akin. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, ang nalilisik niyang mga mata at galit na galit na mukha ang nakikita ko. At sa tuwing titingin ako sa salamin, hindi ako makapaniwala na ang lahat ng sugat na natamo ko ay kagagawan ni Orion. Higit pa sa pisikal na sakit ang sakit emosyonal na dulot nito sa akin.

Pinipilit kong patigilin ang buhos ng luha ko pero bawat punas ay may kapalit na namang luha. Hindi ko maiwasang isipin at tangunin ang sarili ko. Ano bang nangyayari sa asawa ko? Tama ba ang ginawa kong pagsugpo sa Prime Kreeper? Kung tama at nagtagumpay ako, paanong nangyayari na naman ang ganito sa buhay namin?

Paano kung sumanib ang Prime Kreeper kay Orion?

Umiling-iling ako, pinipilit na buharin sa utak ko ang ideya iyon. Imposible. Kung buhay pa ang prime kreeper, hindi ba dapat ang dugo ko ang kinuha niya? Hindi ba dapat pinatay na niya ako kanina pa.

Wala akong sagot na mahanap sa utak ko. Tanging magagawa ko nalang ngayon ay ang magpakatatag at magdasal na sana sa paglabas ko sa banyo, wala si Orion, wala ang Orion na mananakit muli sa akin.

Kinuha ko ang bulak na may gamot at pilit kong inabot ang sugat sa likuran ng braso ko. Halos hindi ko maianggat ang balikat ko sa nakakapangiwing sakit. Nang maabot ko na, tila namuti ang paningin ko nang may tila maputol na ugat sa mga daliri ko. Dahil dito nabitawan ko ang bulak.

Kinailangan ko na naman kumuha ng bago at ulitin ang proseso, tahimik na nagdarasal na sana maabot ko na nang matapos na ang sakit.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses namuti ang paningin ko sa sakit. Namimilipit ako sa bawat sakit pero hindi ako makagawa ng ingay. Takot ako na baka marinig ni Orion at balikan niya ako.

Natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa asawa ko.

Isa-isa kong nilagayan ng balot ang mga sugat at itinali ko na rin ang braso kong tila napilayan. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang mga bagay na pang araw-araw kung ganitong nakabalot ang mga kamay ko.

Hindi na ako pumasok pa sa kwarto ko. Nandoon kasi si Orion at ayoko nang maistorbo siya kung ano man ang ginagawa niya. Sa sala ako natulog, nakatago ang kutsilyo sa ilalim ng unan ko. Hindi maliwanag sa akin kung bakit ko inilagay iyon doon. Batid kong kung mangyayari ulit sa akin ito, hindi ko iyon kayang gamitin kay Orion.

Mabagal ang paglakad ng gabi ngunit mabilis na dumating ang umaga. Pagmulat ng mata ko, wala akong maigalaw na kahit na anong parte ng katawan ko. Inaamin kong ipinagdasal ko na sana panaginip lang ang lahat. Ngunit luha na naman ang bumati sa akin sa umaga nang maramdaman kong totoo ang lahat ng nangyari.

Ilang beses akong sumubok na makagalaw. Paunti-unti naigagalaw ko ang mga daliri ko hanggang sa naigalaw ko ang paa ko. Pagtayo ko narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Tatakbo ba ako o mananatili akong nakaupo at maghintay sa asawa ko. Pinakiramdaman ko bawat hakbang niya. Umaasa na sa bagong umaga, bumalik na sa dati ang mahal ko.

Pikit-mata kong hinintay ang hakbang niya na papalapit na sa akin. Ayoko nang makita pa ang mukhang kinatatakutan ko. Gusto ko nang makita ang asawang mahal na mahal ko. Halos mapalundag ako sa kinauupuan nang may humawak sa mga balikat ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Para akong batang nagsusumbong nang kusang bumuhos ang mga luha ko pagkarinig ko sa boses ni Iñigo. Hindi ko magawang humarap sa kanya.

"May problema ba?"

Napalunok ako nang maramdaman kong papunta na siya sa harap ko. Alam kong magagalit siya sa makikita niya. Ang iniiwasan ko lang ay yung mag-away sila ni Orion.

"Anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa nito?" Alam kong galit na galit siya dahil sobrang dalang lang niyang magalit. Hindi niya maitago ang emosyon niyang iyon.

Wala akong salitang maisagot, luha nalang ang sumagot para sa akin. Tumingin siya sa likuran ko, bahagya akong lumingon, ang pintuan ng kwarto ko ang tinitignan niya.

"Iñigo huwag," paos kong wika.

"Anong huwag? Nahihibang ka na ba!" Humakbang siya palayo sa akin at papunta sa kwarto ko pero pinigilan ko siya.

Sa biglaan kong paggalaw, nakaramdam na naman ako ng sakit na tila nagkakapira-piraso ang buto ko. Napasigaw nalang ako sa sakit habang patumba ako sa sahig. Dali-dali akong binuhat ni Iñigo pabalik sa upuan.

"Hindi maganda 'to," aniya nang suruin ang ilan sa mga sugat at bali sa katawan ko. "Nasaan ba si Titus?"

"Umalis siya kahapon." Pinilit kong sumagot kahit pa tanging sakit nalang ang nararamdaman ko.

Tumayo siIñigo at mabilis kong hinawakan ang kamay niya. "Dalhin mo ko sa kwarto mo, ayokong makita ako ni Orion nang ganito."

May inis na gumuhit sa mukha niIñigo. "Naniniwala ka talagang hindi niya sinadyang gawin 'yan sa 'yo?" Tumango lang ako.

 Alam kong hindi sang-ayon siIñigo sa mga sinasabi ko pero kilala niya ako. Alam niyang kapag nagdesisyon ako, sigurado ako. Pumayag si Iñigo sa gusto ko. Binuhat niya ako papunta sa kwarto niya sa dulo ng kusina.

Madalas ako noon sa lugar na ito, mahilig kasing gumawa nang kung anu-anong halamang gamot siIñigo kaya ako noon, nakikisali at madalas masira ang gawa niya dahil pasikreto kong hinahaluan iyon ng ibang dahon.

Inisip ko noon na si Iñigo ang magiging asawa ko. Hindi pa naman siya monghe noon kaya nang umalis siya para maging monghe, nasaktan ako. Hindi ko alam na nanatili lang pala siya sa buhay ko para bantayan at ihanda ako sa nakatakda kong kapalaran.

Nang maihiga na ako niIñigo sa kama niya, nakita kong nagiba ang ekspreyon ng mukha niya. "Bakit?" tanong ko.

"Nararamdaman ko ang lakas ni Orion, gising na siya."

Muling nananahan ang takot sa akin. Paano nalang kung katulad pa rin siya nang gabing saktan niya ako? Madadamay pa siIñigo sa mga nangyayari.

"Huwag ka ng lumabas, please."

"Hindi pwede. Siguradong hahanapin ka niya," aniya na alam kong labis na nag-aalala para sa akin. "Kung sakali mang totoo ngang wala siya alam sa mga nagawa niya, gusto mo bang magpakita sa kanya na ganyan ang kalagayan mo?"

Tama siya. Hindi ako pwedeng magpakita kay Orion na ganito ang lagay ko.

"Ako na bahala sa kanya. Babalik ako."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon