Book2 ~ Devotion ~ 18

314 28 12
                                    

Tulungan mo ang Hirang....

Butil-butil ang pawis sa noo ko nang magising ako sa nakakikilabot na boses ng isang babae na gumising sa akin. Hindi ako sigurado kung panaginip lang ba iyon ko talagang narinig ko sa tenga ko. Nanunuyot ang lalamunan ko na para bang nakipagkarera ako.

Sa isang maliit na kubo kami nagpalipas ng gabi ni Titus. He suggested we back to the mountains but I insisted. Ayoko munang makita ang sino man sa lugar na iyon. Pakiramdam ko kasi bumalik doon sina Orion at Linett.

Ayoko munang makita ang mga taong dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang buhay ko. Titus is somehow different. Oo, naging parte siya ng buhay ko na bigla nalang nagbago dahil sa buwan. Pero hindi siya naging parte nito nang naging magulo na ang lahat.

Ang kubo na tinulugan namin ay pagmamay-ari noon ng pamilya ni Iñigo. Bahay-pahingahan lang nila ito sa tuwing mapapagod na sa paglilinis sa bakuran ng templo. Mabuti nalang at hindi na ito inabot ng pagsabog.

Sinadya kong puntahan ang dasalan namin dahil doon ay mayroon maliit na tubong gawa sa bamboo na may tubig galing sa mas mataas na lawa. Matapos akong uminom ay kahit pa paano ay nawala ang pangangati ng lalamunan ko.

Ngunit nang akma na akong aalis at babalik na sana sa kubo ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Noong una ay mahina lang iyon kaya ipinagkibit-balikat ko lang. Ngunit nang nakailang hakbang ako palayo ay mas lumakas ang pagtawag sa pangalan ko.

"...Sergine?"

Hinila ako pabalik ng kanyang boses sa naipong tubig malapit sa dasalan. Pagtingin ko sa replesyon ko ay mukha ni Sergine ang nakita ko.

"...ibigay mo ang Cosmos sa totoong nangmamay-ari, upang maiwasan ang sakunang paparating."

Hindi malinaw sa akin ang ibig niyang sabihin ngunit nang magtatanong na ako ay pumatak ang tubig at nagulo ang mukha ni Sergine. At nang kumalma na ito ay wala na siya.

Pinilit ko pang tawagin ang pangalan niya pero hindi na siya nagpakita pang muli.

Alam kong matagal ko na dapat ibinigay ang cosmos sa hirang. Ginusto ko namang ibigay iyon kay Orion. Napakarami lang nangyari at hindi ko na namalayan na nagkulang ako sa itinakdang tadhana ko.

Si Leo ang tunay na hirang.

Umiling ako. Hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon kasama si Leo.

Simula umpisa palang, si Orion na ang nakapinta sa utak at puso ko na pagbibigyan ko ng Cosmos.

Sumalok ako ng tubig sa mga palad ko't hinilamos iyon sa mukha ko. Para kahit sandali lang mabura ang mga alalahanin ko.

Pinaglalaruan ka na ng tadhana, Esmé.

Natulala ako sa sarili kong repleksyon sa tubig. Alam kong matapang akong babae. Lahat ng bagay pinag-iisipan kong mabuti. Pero bakit sa mga nagdaang araw, parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Nagiging mahina ako.

"...Esmé."

Naging estatwa ako sa boses na narinig ko. Hindi ako maaaring magkamali.

"Hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko, hindi ko kayang iwan ka. Sorry Esmé."

Si Orion. Bumalik siya.

Tumingala ako at doon ko nakita si Orion. Nakatayo sa harapan ko, pagitan namin ang dasalan at maliit nitong lawa.

"H-hindi ba malinaw sa iyo yung request ko?" Nanginginig ang boses ko. Ngayong mahina ang pagkatao ko, napakadali kong maiyak. Lalung-lalo na kung si Orion ang kaharap ko.

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon