Madilim na ang kalangitan, tunaw na ang niyebe. Galit, pagod at pagmamahal ang bumubuhos sa aming mga damdamin. Alam ko wala ng oras pa para maghintay sa kanyang sagot sa huli kong hiling.
I grabbed the collar of his shirt and pulled him close to me. I'm glad he didn't resist. Ilang pulgada na lang at magdadampi na ang aming mga labi ngunit sumigaw ang cosmos.
Umalingawngaw ang natinis niyang boses sa loob ng tenga ko. Nabitawan ko si Orion upang takpan ang dalawa kong tenga.
"Esmé!" Pag-aalala ni Orion.
"Hindi kayo magtatagumpay!" Bulalas ng cosmos. Alam kong sa puntong ito walang makakatakas sa galit niya.
Hindi ko na kinaya na pigilan siya sa pag-angkin sa katawan ko. Muli akong bumalik sa kawalan. Naroroon ang cosmos at nagpapakawala ng mga kaluluwa na sa sobrang dami ay kaya niyang mapuno ang isang malaking simbahan.
Ramdam kong sinadya ng cosmos na makita ko ang mga kaganapan. Kahit pa nasa kawalan na ako ulit, malinaw pa rin sa paningin ko ang mga nangyayari.
Tumalon si Orion palayo sa akin. Maaring nagbago ang itsura ko at dahil doon nalaman niyang ang cosmos na naman ang kaharap niya. Ngunit hindi pa man siya nakaka-apak sa lupa ay sabay-sabay na sumugod ang mga kaluluwa sa kanya.
Masyado silang madami at hindi na patas ang laban lalo na't mahina na si Orion. Lumapit si Iñigo sa kanya habang kinakalaban ang mga humaharang na kaluluwa sa kanyang daraanan. Gamit ang papel na may panalangin na isa-isa niyang tinatapon sa noo ng mga kaluluwa nang mawala sila na parang bula sa hangin.
"Hindi natin sila kakayanin!" Patuloy na lumalaban si Iñigo. "Malapit nang maubos ang mga papel ko."
Kitang-kita ko kung paano habulin ni Orion ang paghinga niya. "Hindi tayo pwedeng sumuko."
Kataka-takang sa ilang saglit ay tumigil ang mga kaluluwa sa pagsugod. Ngunit ilang sandali lang din ay sabay-sabay silang sumugod.
"Pasensya na kayo, nahuli ako."
Bumalot ang yelo sa palagid nilang tatlo dahilan upang bumunggo ang mga kaluluwa at mawala. Bumalik si Titus sa tamang oras. Hindi ganoon ka puti ang yelong panangga na ginawa ni Titus. Malamang hindi pa talaga bumabalik nang buo ang lakas niya.
"Pipigilan ko sila! Heal him Iñigo." Utos nito na agad namang ginawa ni Iñigo. Alam kong wala dapat akong marinig dahil nakapaloob sila sa harang pero malinaw ko silang naririnig at hindi ko alam kung paano at bakit.
Sa bawat pag-atake ng mga kaluluwa ay bumabangga sila sa panangga na kung saan sila'y natatalo at naglalaho na lang na parang bula. Ngunit tila walang katapusan ang pagpapalabas ng cosmos sa mg kaluluwang ito.
"H-Hindi ko na kaya. Pasensya na, hindi pa manunumbalik ang lakas ko." Napapa-atras si Titus sa bawat pagbangga ng mga kaluluwa sa harang.
"Kaunti pa! Hindi pa sapat ang lakas ng hirang." Bulalas ni Iñigo.
"O-okay na ko, kaya ko na 'to."
Naghilom ang ilan sa mga sugat ni Orion ngunit nanatiling ang pagtagas ng dugo sa may malalaking hiwa.
"Anong balak mo?" Tanong ni Iñigo.
"Tulungan niyo akong makalapit sa kanya."
Kumabog ang dibdib ko na sobrang lakas ay tila narinig ko iyon sa magkabila kong tainga. Hapdi ang tumurok sa puso ko na katulad nang una kong nakilala sina Titus at Orion. Dama kong tila umaapaw ang apoy sa 'king katawan. Hindi sa apoy na gawa ng cosmos kung 'di apoy na gawa ng katawan ko mismo.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...