Book2 ~ Leo ~ 8

373 38 14
                                    

The palace is so big ang extravagant. Malalaki ang mga poste, hagdan kahit mga desenyong rebulto ng mga kung sino-sinong anito ay malalaki rin. Napakaraming pinto na ang pinasukan namin at tiyak kahit pilitin kong tumakas dito ay hindi ko magagawang lumabas.

Leo stil holds me as he glides his way around the place. His touch is soft and gentle. Kung wala lang siyang pakpak at kung wala lang kami sa Atmos, iisipin kong normal na tao lang siya.

Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na may tumama sa puso ko nang dumampi ang labi ni Leo sa akin. Ayoko nito. Hindi ito tama. Hindi ko ito puwedeng hayaan nalang.

"Pwede naman akong maglakad." Untag ko sa kanya.

Bahagya siyang yumuko at nginitian ako. "Hindi ka naman mabigat, tsaka malapit na tayo."

"Saan ko ba ako dadalhin kasi?" Gusto ko na talagang bumaba nalang at maglakad. Ayoko 'tong pagka-komportble ng pakiramdam ko sa buhat niya.

"Naiinis agad? Huwag mo kunutin 'yang noo mo. Magkaka-wrinkles ka n'yan, sige ka," agad akong umiwas ng tingin nang titigan niya ako't nginitian. Umiinit ang pakiramdam ko. "Andito na tayo."

Pumasok kami sa malaking pinto na patungo sa kabilang banda ng palasyo. Halos dikit na iyon ng bundok at doon makikitang umaagos ang malawak na waterfalls.

Bago pa man kami mapansin ng mga nilalang na naroroon, ibinaba na niya ako at sinabing magtago raw ako sa likod niya.

Mga hagikgik ng mga babae ang una kong narinig. Pagkakita nila kay Leo ay malambing nilang tinawag ito.

"Kanina pa kami naghihintay, ang tagal mo namang bumalik." Halatang lumalandi siya kay Leo.

"Oo nga, sabi mo saglit ka lang." Kumapit pa ang isa sa braso ni Leo.

"Maharot." Hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita. Mabuti nalang at mahina lang.

"May inasikaso nga akong importante. Nasaan sila?" Ani Leo. Hinahayaan niya lang na paluputin siya ng mga higad. Eh kung takasan ko na kaya siya, tutal nakikipag flirt pa siya.

"Ayun.." ika ng isa.

Sinundan ko ang lugar na itinuro niya. Dalawang malalaking upuan ang nakita ko. Sa laki ng mga iyon, hindi man makikita ang mga nakaupo kung hindi lang sasadyain na puntahan.

"Halika na." Wika ni Leo.

Nagsisisigaw ang dalawang babae. "Sino? Ako ba?"

"Hindi ikaw! Ako kaya! 'Di ba Prinsepe Leo."

Akala ng dalawa, sila ang kausap niya. Hindi nila alam na naroroon ako sa likod ni Leo at sa akin nakapalad ang kamay niya.

"Prinsipe?"

Humarap si Leo sa akin na agad na sinundan ng tingin ng dalawa. Nanlaki ang mga mata nila pagkakita sa akin.

"A-ang Alamat."

Siguradong-sigurado sila sa sinabi, parang kilala nila ako. Inalis nila ang pagkakapalupot kay Leo at bahagyang dumistansya sa amin.

"Halika na..." ulit ni Leo.

Kinuha ko ang nakapalad niyang kamay. Nagsikuan ang dalawang babae at tila ba nagsisisihan pa sa ginawa. Ang totoo wala naman sa akin ang ginawa nila, hindi ko nalang sinabi dahil nakatutuwa silang panuoring natataranta.

"Sino 'yung mga 'yon?" Hindi ko naiwasang itanong.

"Mga kaibigan lang. Selos ka naman agad." Sagot niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

"H-hindi no! Hindi ako nagseselos." Kahit pa ganoon ay naramdaman kong nag-iinit ang mukha ko.

Lumingon siya sa akin, "Talaga? Hindi nga ba?" Para akong nakuryente nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon