Book2 ~ Atmos ~ 7

384 39 14
                                    

I don't remember how long I was out. Hindi ko na matandaan kung nananaginip lang ba ako sa lahat ng nakita ko. Sina Iñigo, Titus at Orion, ang pag-aaway nila na humantong sa aming dalawa ni Orion. Binalakid ng malakas na hangin na hindi pa rin malinaw kung saan nanggaling. All pictures inside my head are still blurry. Walang malinaw na mukha, walang malinaw na rason.

The wind blowing on my face woke me from this unknown dream. As I slowly open my eyes, I see nothing but white and blue. It took time for me to digest where I am. The wind, the blue and white soft particles in front of me. I'm pretty sure I'm up in the air.

"Oh," a voice startled me. Kamuntikan pa akong mahulog dahil sa pagkagulat sa boses niya. Mabuti nalang at agad akong nakakapit sa leeg niya. "you're awake."

Hindi ko kilala ang boses niya, sigurado ako hindi ko siya kilala. "Did you had a good sleep? Presko ano?" Tumingala ako para makita ang mukha niya. His skin is pale like porcelain, perfect for his dark, deep set of eyes and fine nose. His peach lips aces his sweet smile.

"Sino ka?"

But instead of answering my question he just flashed another smile and continues to pilot, off to somewhere. Hindi na ako nakapagtanong pa dahil kitang-kita ko ang malakng bundok na babanggaan namin. Para kaming langgam sa laki ng bundok na hindi ko na makita kung saan nagumpisa at kung saan matatapos.

I almost lost my soul as we flew directly at it. At nang akala kong babangga na kami sa bundok at bigla na lamang siyang nag-iba ng direksyong nililipad. He maneuvered upwards making us adjacent to the alp. Sa sobrang bilis ng lipad namin, nagmistulang water falls ang bundok na dinadaanan namin.

All stopped as we reached the top most part of the it, which was surrounded by thick, white clouds. Humigpit ang kamit ko sa leeg niya nang ligtas kaming lumapag sa lupa. Sa lakas ng pagbagsak namin ay humiwalay ang mga makakapal na alapaap sa isa't isa.

Nang maramdaman kong ligtas na para muling inulat ang mga ko, niluwagan ko ang pagkakakapit ko sa leeg ng lalaki at tumingin sa paligid. Marahan akong ibinaba ng lalaki, hindi pa rin ganoon ka klaro ang paligid marahil sa mga alapaap. Ngunit aninag ko naman ang lupain na tila ba may malaki palasyong nakatayo.

"Maligayang pagdating sa Atmos, mahal kong Alamat." Humarap ako sa lalaking nagdala sa akin dito. Nakaluhod siya't nakayuko sa akin.

Tumuon ang mga mata ko sa kakaibang kasuotan niya. He wears a balck armor vest that falls up to his knees. Mayroong iba't ibang asesorya ang daliri niya sa kamay, hindi ko alam kung totoo bang matutulis ang mga kuko niya o asesorya din ang mga iyon. May mga markha sa magkabilang balikat niya, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon, mga letra kasi ang nakasulat na ngayon ko lamang nakita.

Sa pagtingala niyang muli sa akin, nakuha niya ang atensyon ko. Malamlam ang mga mata niya, parang dapit-hapon, iniimbita akong mahumaling sa mga ito. 

"Ako si Leo, ang tunay na hirang." aniya habang papatayo at patungo sa harapan ko.

"Nagpapatawa ka ba?" Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya.  Ang lakas ng loob niyang angkinin ang pagiging hirang.

I heard him chuckled a little. "I'm dead serious, young lady." Pinigilan ko ang tawa ko at tumingin sa seryoso niyang mukha. Ngayon ko lang napansin na mukhang malaki ang tanda niya sa akin.

He moved next to me to grab my hand. "Let's go, everyone is waiting for you." I wanted to resist but I was afraid for my safety. Wala akong makitang lupa sa paligid, liban lang sa lupang pinaglapagan namin. 

He guided our way, making the clouds disappear, exposing a big palace. Architectural buildings I haven't seen anywhere on earth. Para akong nasa lugar na gawa ng mga ibon. Mga sala-salang kahoy na naging malaking palasyo nakatayo sa pinakatuktok ng bundok na kahit magigiting na tao ay hindi maakyat. Bahagya akong tumingala, upang makita na sa likod ng palasyo ay parte pa pala ng bundok. Animo'y nakadikit ang palasyo sa mismong lupain ng bundok.

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon