Maka-Alamat na Pagtatapos

811 53 43
                                    

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa tingin niya sa 'kin. Hindi ko alam kung sadyang mainit na ba ang panahon o talagang nag-init na lang bigla ang loob ng kwarto.

Ang titig niya sa 'kin alam kong may kahulugan. Pero hangga't maaaru ayoko muna sanang malaman ang ibig sabihin niya roon.

"Oops! T-teka lang Orion." Wika ko habang napapaantras sa kinatatayuan ko.

Ngunit lalo akong pinagpawisan sa pag-iling niya habang patuloy na naglalakad patungo sa 'kin.

"K-kung ano man yang binabalak mo, please huwag muna." Pahina nang pahina ang boses ko. Paano ba naman hindi e sa paglapit niya sa 'kin halos magkadikit na ang mukha namin.

"Ano ba sa palagay mo ang gagawin ko?" Mapang-akit niyang wika habang pilit akong umiiwas sa tingin niya.

Napangiti na lang ako habang pinapaypayan ang sarili gamit ang aking mga kamay. "Oh! Ba't biglang uminit dito? Makapagbukas nga ng electric fan."

Mabilis pa sa alas-kwarto nang lumayo ako sa kanya at tinungo ang electric fan at binuksan iyon sa pinakamalakas na numero.

Malagkit ang pawis ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Basang-basa na ang panloob kong sando. Kaya naman inalis ko ang pagkakabutones ng aking cover up para naman mahanginan ang balat ko.

Mula sa likuran ko naramdaman ko ang mabigat na paghinga ni Orion. Sumilip ako ngunit agad ring umiwas ng tingin.

"A-anong ginagawa mo?" Natataranta kong wika.

"Masyado kasing mainit dito, wala namang masama kung magtatagal ako ng damit 'di ba?"

Tumango-tango na lang ako habang pilit pa ring pinipigilan ang sarili na muling tumingin sa hubad na katawan ni Orion.

Lord, forgive me for I have sinned. Oh no! My innocent eyes.

Sa unang tingin pa lang nakita ko na ang pandesal sa tiyan ni Orion. Oo! Meron siyang pandesal at anim sila! Anim!

Alam kong nagkakasala ako sa nakita ko't naiisip. Pero paano ito? Ang hirap pigilin ang sarili ko.

"O-Orion please, m-mag tshirt ka ulit. Please lang." Wika ko na nakatalikod pa rin.

"Okay." Mabilis niyang sagot.

Phew. Mabuti na lang at mabilis kausap itong si Orion.

But as soon as I look back at him. He was closer. So close that my hands landed on his chisled abs. Nanlamig bigla ang kalamanan ko't naramdaman ko na lang na basa ang mga palad ko.

Hindi ako sigurado kung namawis ba 'yun dahil sa kaba o pawis iyon sa balat ni Orion. Speaking of sweat, my goodness gracious!

Lavender! Amoy lavender ang pawis niya!

This is too much to resist! I can't take it!

"Why are you seducing me? Hindi ba't malinaw sa 'yo na hindi ko ibibigay ang sarili ko kung walang pagmamahal?" My heart pounded so fast, I almost lost my breath.

"I know, mahal kita at mahal mo ako. Isn't that enough?" He pulled my waist closer to him.

Isang lapit na lang talaga at iba na ang didikit sa balat ko. At hindi pa ako handa sa bagay na 'yun!

I breathe in to focus on my thoughts. Kailangan kong maipaliwanag ito nang maayos sa kanya. Baka hindi magkapareho ang mga tradisyon sa mundo nila at sa mundo ko.

"You see Orion, dito sa mundo ng mga tao. Importante ang pagmamahal sa pagitan ng dalawang tao. Pero hindi iyon sapat para gawin ang bagay na 'to." I looked into his eyes to imply the message I want him to understand.

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon