Laban ni Esmé --- 13

767 53 14
                                    

Ginagawa lahat ni Orion upang makaiwas sa mga pagsalakay na ginagawa ko sa kanya. Alam kong ayaw niya akong saktan at iniiwasan rin niyang masaktan ako sa kagagawan ng cosmos.

Ngunit sa kalagayan niya ngayon, alam kong hindi magtatagal ay mapapagod siya sa pag-iwas sa'kin. Ikinatatakot ko na sa oras na matatamaan ko siya baka iyon na ang maging katapusan niya. Sa nakita kong ginawa nang cosmos kay Ajira, alam kong madali lamang para rito na kunin ang buhay ng mahal ko.

Hindi ko iyon hahayaang mangyari. Ako dapat ang mawala at hindi siya.

Nilunod ko ang aking sarili sa galit at poot na ipinamamalas ng cosmos sa katawan ko. Hinayaan ko siyang lamunin ako nang buong-buo. Doon ko lamang napagtanto na mala-impyerno pala ang ikaibuturan nang cosmos.

Berdeng apoy ang pumalibot sa lugar kung saan ako napadpad. Apoy na hindi nakakapaso ngunit damang-dama ko naman ang lakas ng kapangyarihan nito.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong hinahanap ko. Gusto kong makita ang Cosmos, gusto ko siyang makausap. Kailangan kong magmadali dahil kung hindi, mapapahamak si Orion. I freely flew an inch away from the green fire below my feet. I felt so small in the field of green inferno, it was endless.

Hindi ko alam kung may katauhan ba ang cosmos pero nagbabakasakali akong mayroon akong makakausap sa kawalan kung saan ako naroroon.

"Cosmos! Naririnig mo ba ako!"

Nagsusumamo ang puso ko sa bigat nang nararamdaman ko. Tumulo ang mga luha kong sumabay sa hanging dumadampi sa'king mga pisngi. Kailangan ko siyang mahanap bago pa mahuli ang lahat para kay Orion.

"Gusto kitang makausap, pakinggan mo ako!"

Natigil ako sa pagtakhak ko sa berdeng kawalan nang bumulusok ang isang parte nito't naging malaking buhawi.

The hot wind thrust towards me so I covered my face using my both arms. The pain of the hot wind starts to sink in under my skin, ripping it piece by piece.

I forced my eyes opened to see what's causing this phenomenon. The green fire filled the whirlwind keeping the heat gushing in the air. As soon as the twister stopped, I saw a long hair extravagantly layered beside the figure of a woman in sight.

Malaya ko siyang nakita ngunit balot lamang ang kanyang katawan nang berdeng apoy at tanging mga mata niyang nanlilisik sa galit ang aking nasisilayan.

"I - Ikaw ba ang cosmos?"

Sa tanan ng buhay ko, hindi ko naisip na makakaharap ako ng isang nilalang na katulad ng nasa aking harapan. Takot ang namayani sa puso ko nang masilayan ko ang mga mata niya.

"Malakas ang iyong kalooban upang magpakita ka sa'king kaharian." Iba't ibang boses ang narinig ko mula sa cosmos. May boses babae, lalaki at may mga boses bata pa, parang boses nang nasasanibang tao. Ang ulo niya ay hindi ma-pirmi, panay ang baling nito sa magkabilang braso niya.

"A-ano bang kailangan mo? Bakit mo ito ginagawa?"

Tumigil ang puso ko nang humarap ito sa'kin at ituon ang kanyang mga matang nanlilisik sa galit. Sa isang pagkurap lamang napunta siya sa harapan ko. Ang init na kanina lang ay sa balat ko lang ay unti-unting pumapasok sa loob ng katawan ko. Napa-singhap na lamang ako nang malalim sa pagpigil sa sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ba't ito ang nais mo." Bumulong ang matamis na boses ng isang babae sa tainga ko. "Wala kang pinili sa mga nakatakda at ito ang kinahinatnan ng iyong desisyon." Nagbago ang kanyang boses at naging boses lalaki.

Tumagos siya sa'king katawanan. At sa sandaling tumatagos siya sa'kin ay naaninag ko ang duguang mukha ni Orion. Kalunos-lunos ang itsura niya. Tumutulo ang dugo mula sa kanyang ulo at maging ang katawan niya'y puno na nang malalaking sugat.

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon