Tanaw ko pa lang si Iñigo mula sa gate nang kusang bumalik ang mga kalokohan namin noong mga bata pa. Bilang anak siya ng katiwala sa bahay, si Iñigo ang madalas kong makasama sa paglalaro at sa pag-aaral.
May katagalan na rin nang huli kami magkita. Umalis sila sa 'min dahil gusto raw niyang maging monghe. Simula noon wala na akong naging balita sa kanya.
"Tangkad neto! Dati mas matangkad pa ako sa 'yo e." Bahagya kong tinampal ang balikat niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, maliit ka pa rin." Biro naman niya habang ginugulo ang buhok ko. Bagay na madalas niyang gawin sa 'kin noon pa.
"Sira," Tangi kong nasabi. Inaamin kong masaya akong narito siya. Nagkaroon ako ulit nang kakampi. "Wala pala sila mama't papa. Panay pa man din ang tanong nila sa 'kin tungkol sa 'yo."
"Ang totoo niyan, bumalik ako rito dahil sa 'yo." Bahagyan naging seryoso ang mukha niya.
"B-bakit?"
Wala akong ideya kung bakit siya bumalik at lalong hindi ko alam kung bakit siya babalik para sa 'kin.
He looked at me like as if he was inspecting me. He stopped when he saw my hand covered in pink handkerchief.
"Anong nangyari dito?" He said claiming my hand. His eye brows narrowed.
"Nakuha ko lang sa trabaho, madami lang kasi akong iniisip." Bahagya akong tumingin sa likod ko para masilip kung nandoon pa Orion.
I rolled my eyes sighing. Nandoon pa nga siya.
"Iñigo, mabuti pa sa loob na lang tayo mag-usap." Binawi ko ang kamay ko at binuksan ang pintuan nang bahay.
"Won't you invite us in?"
Ang malamig na boses na hinahanap ko kanina ay bigla na lang sumulpot. Agad akong tumingin sa kanya.
"Titus, anong ginagawa mo rito?" Ang lalo pang nakakapagtaka, malapit siyang nakatayo sa tabi ni Iñigo.
"Gusto ko ng magpahinga." Walang emosyong sabi ni Orion na ikinagulat kong nasa kabilang banda ko na pala.
"Pag-usapan na lang natin 'to sa loob." Malambing na ngiti na wika ni Iñigo.
Everyone became awkwardly silent for a few seconds. "Magkakakilala kayo?"
Why do I feel like everything is wrong?
"Sort of." Mukhang tinitimbang pa ni Iñigo ang relasyon nilang tatlo.
"Oo naman! Kaya papasukin mo na kami." Sabat ni Orion.
"Esmé, mas mabuti kung sa loob na lang natin pag-uusapan ito." Ani Titus.
Pinapasok ko silang tatlo kahit pa hindi panatag ang loob ko sa dalawa, mabuti na lang at nandyan si Iñigo. Sandali ko silang iniwan sa sala habang nagpunta ako sa kusina para ipaghanda sila nang tsaa.
Magpahanggang ngayon lahat ng nangyayari sa 'kin ay hindi pa rin kapani-paniwala. Sa lahat ng tao sa mundo, ako pa talaga ang napili nilang pagtripan. Ang nakakalungkot pa mukhang kasama si Iñigo sa palabas nila.
I need to know what's going on. Binuhat ko ang tray na pinag-lalagyan ng mga tsaa at nagtungo sa sala.
"Sorry to keep you waiting. Heto na ang tsaa."
Galak na ngumiti si Iñigo at Titus habang si Orion naman ay komportable ng nakasandal at tila nakapikit na't tila tulog.
Umupo ako sa kabilang gilid ng lamesa at hinarap ang dalawang maginoong lalake. Habang yung isa nasa gilid lang namin.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...