Book2 ~ Hamok ~ 20

263 23 15
                                    

Soon after, we arrived back to where we came from. Sa itaas ng bundok kung nasaan ang bahay ni Leo. Hindi ako nagkamali, totoong naroroon sina Iñigo at Linett. At siyempre din si Leo.

Pagkababa sa akin ni Orion, lahat ng mata na sa akin. Heto na nga ba kinatatakutan ko. I tried to smile it off but the pain pierced again from the inside.

Nakita ng lahat na nasasaktan ako pero si Leo ang unang lumapit sa akin. Dumistansya agad si Orion para maiwasan ang hindi kanais-nais na pangyayari.

"What happened to you?" Leo held my hand, examine every part of it.

The fear looped around my mind. I could not say anything. Hindi ako makagpasalita. Hindi ako makaamin.

Iñigo came to assist him. Of all people around me now, I know Iñigo is the one who can help me.

"Did you?" Bungad niya sa akin nang magsalubong ang mga mata namin.

How on earth he would know with just one look?!

Hindi na ako sumagot. Alam kong malalaman din naman niya kahit wala akong sabihin.

"She is weak. Kailangan niyang magpahinga." Ani Iñigo. I looked at him, silently thanking him. He knows about it. And he knows I don't want to talk about it.

"Ako na bahala." Leo held both of my arms and was just about to lead me inside. Pero natigil siya nang nagsalita si Iñigo.

"Kailangan niyang magpahinga kasama ang cosmos." Ibinaling ni Iñigo ang tingin niya kay Orion na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin.

It was as if, without even having clear thoughts about the where the cosmos is. He was pulled by it.

Leo head turned a few times from my face to Orion's direction then turning back to Iñigo.

"So you both already. Y-you two did the umm. Both of you had the umm.." hindi matuloy-tuloy ni Leo ang sasabihin niya.

His voice cracked up a little that he had to clear his throat before speaking again. He smiled. "Una palang talo na ako. Though it was not my very best, I gave my all."

"I-I'm sorry Leo." Nahihirapan man ako pero humingi pa rin ako ng tawad. Mabait si Leo. Naglaro lang ang tadhana kaya hindi kami ang nagkamabutihan. Nahihiya man ako tignan siya dahil nasaktan ko siya. Nakasakit na naman ako.

Natulala siya at tila may iniisip. His sadness was like a flowing river, cold and unending but still he managed to smiled even just a little. "There is something bigger that is bound to happen Esmé."

"What do you mean?"

But before he could answer, another agonizing pain attack my system. But this time the pain is intolerable.

Naiyak na ako sa sobrang sakit at hindi ko na magawa pang magsalita. Hindi napigilan ni Orion ang sarili sa nakikitang sakit na tinitiis ko kaya naman kahit alam niyang hindi pwede ay lumapit pa rin siya sa amin.

"Huwag Orion!" Sigaw ni Iñigo. "Mapapahamak lalo si Esmè."

Lumundag si Iñigo para agad na mapigilan si Orion. Mabuti nalang at napigilan niya dahil nang papalapit siya nararamdaman ko na ang kakaibang pwersa na tila sasabog na naman sa harapan ko.

"Leo iwan mo na si Esmé. Kailangan niyang makasama ang cosmos." Ani Iñigo.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Leo. Nanginginig ang mga kamay niya. Tumingala ako sa mukha niya at nakita kong kunot-noo siya't nakapikit. Tila ba may iniisip.

Hindi ako nagsalita, bagkus ay tinawag ko lang ang pangalan niya.

"Patawarin mo sana ako Esmé, pero hindi ko kayang iwan ka."

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon