Sa pagtahan ng nakasisilaw na liwanag, tumanbad sa akin ang dalawang nagmistulang sundalong handa akong ipagtanggol.
Sina Orion at Leo, parehong hawak ang magkabilang braso ng hari, ipinamamalas ang kani-kanilang kakayahan upang pigilan ang talim na nagbabadyang kumitil sa aking buhay.
Ngumisi ang hari na tila ba alam niya kung sino ang dalawang pumipigil sa kanya kahit pa sa akin na tarak ang kanyang mga mata.
Walang na anong salita, iwinaswas ng hari ang kanyang kamay na hawak ni Leo upang maalis ito sa pagkakahawak sa kanya. At nang makabitaw si Leo ay si Orion naman ang kanyang pinuntirya.
Umikot ang hari, nananatili pa rin ang isa niyang kamay sa paghawak sa leeg ko. Malakas ang pwersang nagawa ng hari sa kanyang pagikot at gamit ang kanyang paa ay malakas niyang sinipa si Orion dahilan upang mabitawan nito ang hari.
"Hindi magtatagumpay ang dalawang ito sa pagligtas sa 'yo. Isa akong Hari at walang katumbas ang lakas ko sa kahit na sinong nilalang."
Sa gigil ng hari ay mas humihigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Nararamdaman kong malapit nang mabali ang mga buto sa leeg ko.
"Matagal ko ng gustong gawin ito sa 'yo!"
Mabilis na sumugod si Leo. Handa ang kanyang kamao na ipatama sa hari. Hindi basta kamao, nagtataglay iyon ng lakas at balot ng makapal na hangin.
Hindi lingid sa akin na malakas si Leo. Anak siya ng hari at alam ng lahat na may lakas din itong maaaring makapantay ng sa hari.
Tumama ang kamao ni Leo sa mukha ng hari na kanya pang idiniin dahilan upang mabitawan ako ng hari.
"Esmé!"
Mula sa malayo ay mabilis na tumakbo at lumundag si Orion upang masalo ako. Ang labis na pagsakal sa akin ng hari ay nagdulot ng sugat sa leeg ko. Tumatagas ang dugo hindi lamang sa leeg ko kung 'di maging sa bibig ko.
Nahulog ako sa mga bisig ni Orion. Lalong nanlambot ang katawan ko't nangangatog na rin maging ang kalamnan ko. Nararamdaman ko na ang lamig na umaakyat mula sa paa ko.
Para sa isang ordinaryo tao, nasa bingit na ako ng kamatayan. Na ang lamig sa katawan ko ay hindi natalo ng natural na init ni Orion na dati nang nagpakalma sa akin.
"Lumaban ka Esmé, huwag kang susuko. Hindi ka pwedeng sumuko!"
Nanginginig ang boses ni Orion. Alam kong labis siyang nag-aalala sa kalagayan ko. I reached for his face with all my strenght.
"A-ayokong sumuko Orion, but if this was my end. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal na mahal kita."
I coudn't help but to cry. Akala ko wala ng luha pang tutulo sa mga mata ko. He held me close as we descend on the ground. Umiiyak na naman siya.
My Orion is a strong man. Hindi siya dapat umiiyak. Pero heto na naman ako, pinapaiyak siya for the scond time.
"Tahan na mahal ko. Wala na tayong magagawa pa para sa buhay ko," kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mata. "At hihiling sana ako sa 'yo. Tapusin mo ang laban natin. Ang laban ng Alamat at ng Hirang."
"G-gusto ko kung lalaban ako, lalaban ka rin para sa buhay mo. Para sa buhay natin na magkasama," itinukop ni Orion ang dalawa niyang kamay sa magkabilang pisngi ko. "Please Esmé, lumaban ka, para sa akin."
Humagulgol ng iyak si Orion na nagpawarak sa puso ko. Ganito pala kasakit ang makita ang mahal mong umiiyak nang dahil sa 'yo. Hindi ko lubos maisip kung ano ba ang nagawa ko para mahalin niya ako ng sobra. Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito, sana hiniling ko nalang sa kanya na huwag niya akong mahalin. Nang sa ganoon, hindi ko siya masaktan kung malawa man ako ngayon.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...