Hindi na kami nagpagabi pa sa tabing dagat dala ng takot na baka may halimaw na namang magtangka sa amin. Umuwi kami sa bahay at doon na lamang nagpahinga mula sa mahabang byahe. Hawak-kamay naming tinahak ang mahabang daan pauwi. Pagod man at takot ay may ginahawa sa pakiramdam ko dahil alam kong na sa tabi ko na si Orion.
Gayunpaman, hindi maalis sa isip ko na muli na naman akong babalik ng Atmos. Ibig sabihin, makikita ko ulit si Leo. Mahihiya ako sa kanya. Napakarami na niyang sakripisyo para sa akin. Hindi ko lubos maisip na hihiling siya para sa buhay ni Orion, para nakapiling kong muli ang asawa ko. Alam kong dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya pero tila mas nananaig ang hiya.
Mahimbing na ang tulog ni Orion nang magising ako. Umaga na nang nakauwi at makatulog kami pero pilit akong nagigising. Lumabas ako at nagtungo sa likod bahay para magdasal. Ganito naman kasi ako noon pa, sa tuwing may bumabagabag sa dibdib ko ay dasal lamang ang magpapakalma sa akin.
Sa pagkakataong iyon, kaligtasan at katahimikan ang naging laman ng dasal ko. Iyon nalang kasi ang kulang.
Hindi na ako nakatulog pang muli, mabuti nalang at dumating ang mga magulang ko para bisitahin ako. Sa pagkakaalam nila mag-isa nalang ako sa bahay. Batid nilang nasamahan pa ako ni Titus at Iñigo at malamang sa kanila rin nila nalaman na mag-isa nalang ako sa bahay.
Ang dami nilang dalang rekado. Naghahanda raw kami dahil sa wakas, magiging tahimik na raw ang buhay ko. Magiging normal na raw ako at maging mga susunod na heneresyon ng pamilya namin.
Hindi ko kaya sirain ang kasiyahan sa mga mata nila. Alam ko na ito ang matagal na nilang inaasam. Pansamantala ko na munang kakalimutan na hindi pa tapos ang laban ko. Hahayaan ko munang maging masaya kami ngayon.
"Ma, Pa, may surpresa po ako sa inyo," sa likod ng pintuan nagtatago si Orion. Hindi siya mapakali simula nang gisingin ko siya't sabihin na nasa bahay ang mga magulang ko. Malaki pa rin ang kaba niya dahil malaking gulo raw ang naidulot niya sa pamilya namin.
Nagtatakang nagtinginan ang mga magulang ko. Ngunit ilang saglit lang ay napalitan ng pagkagulat na may halong takot ang kanilang mga mata.
"Magandang araw ho, totoo pong nagbalik ako." Pumasok si Orion at nagmano sa dalawa. Sa pagkakaalam ng mga magulang ay wala na si Orion. Kitang-kita nila kung paano ako nagluksa.
"Ma, huwag po kayong matakot. Hindi multo si Orion." Sinubukan kong mag joke bakasakaling napangiti ko ulit si mama pero hindi siya natawa.
"Hindi ba't? Paanong?" Hindi matuloy-tuloy ni Papa ang mga tanong niya.
"Alam ko pong mahirap paniwalaan pero totoong buhay ako. Nabuhay dahil sa tulong ng hari at reyna."
Ako na ang nagpatuloy ng kwento. Nabigla ata sina mama at papa. Pero sa bandang huli nakita ko naman na naintindihan nila ang lahat.
"Masaya ako para sa inyong dalawa, anak," naiiyak na wika ni Mama. "Simula ngayon, magiging normal na ang buhay ninyo." Itinukop ni mama ang mga kamay namin ni Orion.
Lumapit si papa at hinawakan ang kamay namin ni Orion. "At sana, magka apo na kami sa lalong madaling panahon."
Hindi ko naiwasang mamula dahil sa request ni Papa. Habang si Orion naman ay may pagkamayabang nang sabihin niya sa harap ng mga magulang ko na siya ang bahala sa hiling nila.
Nagtatawanan silang tatlo. Hindi ko na rin napigilan ang sayang umaapaw sa puso ko. Napakasayang isipin na kahit hindi perpekto ang pamilya namin ay masaya kami. Sa sayang iyon ay perpekto na rin kami.
Sana ganito na lang palagi.
Kinagabihan, hinatid namin sa gate sina mama at papa. Kahit anong pilit kong sa bahay nalang sila magpalipas ng gabi ay umaayaw sila. Paano raw magagamit ni Orion ang lakas na makukuha niya mula sa alak na ibinigay papa. Lagi niyang dala iyon kahit saan siya nagpunta.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...