Book2 ~ Oblivion ~ 9

335 34 15
                                    

I couldn't help myself from crying. This pain inside of me won't stop.  Miss na miss na miss ko na ang mahal ko. I never thought that remembering  him smiling will break my heart.

Alam ko na sa ganitong pagkakataon, kailangan kong magpakatatag. Hindi gugustuhin ni Orion na mahina ang asawa niya. Hinugot ko ang lakas sa kaloob-looban ko. I tried very hard to calm myself.

Leo brought me inside an octagon shape room filled with red and gold colors. Pinalilibutan ito ng makikinang na muebles, mula sofa, lamesita hanggang sa mismong kama na sa sobrang laki, kakasya ang limang katao.

"Esmé..." untag sa akin ni Leo. "Tahan na, kalimutan mo na 'yang Orion na 'yan." His grip on me somehow loosened. Ngunit imbes na natigil ko na, muli na naman niya itong ipinaalala. Marinig ko lang ang pangalan niya nalulungkot na ako.

Iniupo ako ni Leo sa gilid ng kama. I buried my hands onto my face. Pilit itinatago at pinipigilan ang mga luha.

Leo hissed in anger. "Kung alam ko lang na masasaktan ka lang sa lalaking 'yun, matagal na sana kitang binawi sa kanya." May pagsisisi sa boses niya. Hindi man siya sumisigaw ngunit dama ko na nagtaas siya ng boses.

Nagpinting ang tenga ko sinabi niya. Hindi pa rin pala niya kuha na hindi siya ang mahal ko.

"Mahal ko si Orion at kahit pa masaktan niya ako, mamahalin ko pa rin siya!" His eyes widened as I started to get angry.

"Baliw ka ba? Ang babae hindi sinasaktan! Akala mo ba hindi ko alam na siya ang may gawa ng mga sugat at pilay mo? Nakita ko lahat!" Giit ni Leo.

Umurong ang lakas ng loob ko sa narinig. "Nakita mo?" Tumango siya.

"Alam ko lahat, dahil nandoon ako sa simula pa lang." Unti-unting nawala ang galit na kurba ng mukha niya at napalitan ng seryosong postura.

"Simula nang alin Leo?"

Ilang segundo rin siyang hindi nakasagot. Hindi ko alam kung nagdadalawang isip ba siya na sabihin sa akin o kinakapa lang niyang kung paano niya sasabihin ang nalalaman niya.

He laid those sexy brown eyes on me. Something hit inside me, it was something different. And I don't like it. Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.

"Noong gabing bilog ang buwan, dapat nandoon din ako. Pero dahil sa kayabangan ako, hindi ako pumunta..."

He held my hand. Para akong bato at hindi ko man lang iyon nabawi kahit gusto ko pa. I looked up to him to see his sorry face.

"...alam ko na kasi na ako ang nakatakdang hirang."

I'm confused. Nabawi ko ang kamay ko at itinago na iyon para hindi na niya makuha pa.

"Bakit pa nila papupuntahin sina Titus at Orion kung ikaw naman pala ang nakatakdang hirang?"

"They didn't know about it. No one did." Ngumisi si Leo. "Just like what I've told you, mahinang klase ang  pinanggalingan nila."

"At ikaw lang ang may alam? Pero bakit?"

I wanted to know the answer. Hindi na ako nag-inarte pa. Tumingin ako sa kanya. I wanted him to see me.

Pero wala akong nakuhang sagot. Nanatili lang siyang tahimik habang pinagmamasdan ang mga mata ko.

Then suddenly a voice lingered the room. It was coming from a woman not far from where we are.

"Because of me..."

Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. It was familiar. Unang lumingon si Leo sa may-ari ng boses because I couldn't.

"It's okay. She is my older sister." Leo comforted me. I had to warm myself from the coldness she brought.

"I - I know her... Sergine." How can I forget her voice? Ginulo niya ang utak ko. Ginulo niya ang buhay ko.

"What?" kunot-noong pagtataka ni Leo. Hindi nagtagal, galit ang puminta sa mukha niya.

Tumayo si Leo at tinungo si Sergine. "What did you say to her?"

My eyes followed him. Then there she was, standing in a distance. Her eyes pinned on me. Her hood is off, not like the first time I saw her.

Maamo ang mukha niya. Hindi maipagkakaila na magkapatid silang dalawa. But her eyes send fear in my system and I don't understand why. Lalong naninindig ang balahibo ko.

"Everything she has to know." She said. She smiled a little. Ngiting hindi ako natuwa kung 'di natakot.

"Wala kang karapatang makialam dito Sergine. Diskarte ko 'to."

"Palya lahat ng diskarte mo Leo.  Magpasalamat ka't tumulong ako." Sergine turned her sight to Leo.

Kahit pa paano nakahinga na ako ng maluwag. Kung nalaman nga ni Leo noon pa man, na siya ang nakatakdang hirang dahil sa tulong ni Sergine. Napakasama niya at hinayaan niyang maniwala ako na si Titus at Orion lang ang pagpipilian ko.

Sergine tilted her head to see me again. Her lips curled before speaking. "Leo is not evil Esmé. As a matter of fact, Leo is one lovable prince..."

Did she just read my thoughts?

Nakakabingi ang tunog na nanggagaling sa sapatos niya habang papalakad siya patungo sa akin. With one second after the other, I found her sitting beside me. "...and he is madly... in love with you." she continued.

"Ate ano ba! I - I should be the one telling her those. Stop embarrasing me in front of her." Aniya habang hawak-hawak ang kanyang batok dala ng pagkahiya.

"Are you mad? Ngayon lang kami nagkita at nagkausap. That's impos—"

"Its possible. Believe me." Untag ni Sergine.

Hindi na ako sumagot. I am no match for these two. And besides Sergine took my broken hand. Doon natuon ang atensyon ko.

"What is this Esmé?" Tumingin siya sa akin. Mariin sa mga mata ko na tila may hinahanap na kung ano. Hindi niya ako minadali sa pagsagot. She waited for my answer.

Tumingin ako sa kamay ko, sa likod ng palad na tinutukoy niya. I looked deep enough as if my mind was trying to figure out something about it. There was this uncertainty inside of me. I have an answer but right now but I couldn't find any.

"There is nothing there." I finally answered before pulling my hand back to me.

Lumapit si Leo sa akin. He stood beside me, softly laying his hand on my shoulder. "Mali na ginamit mo ang kakayahan mo para guluhin ang buhay niya. You know I wanted her to be happy."

Galit na tumingin si Sergine kay Leo. Her eyes still scares me even if Leo is beside me. Tinamaan ako ng tingin niya nang ilang segundo. Wala akong nagawa kung 'di ang hawakan ang damit ni Leo, tahimik na humihingi ng saklolo.

Tila napansin ni Leo ang takot ko sa kapatid niya. He then gently wraps around his arms around my head, covering my eyes.

"And you suffering alone?" Ani Sergine sa kanyang pagtayo.

"Make the most of it, little brother..." aniya nang makalayo nang kaunti mula sa amin. "...as long as she is here.. she is yours."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon