Pikit ang mga mata ko't nakahiga ako sa malambot na kama. Hindi ko kaagas naimulat ang mga mata ko dahil mabigat pa sila. Pamilyar ang amoy na lumalakad sa ilong ko, amoy lavander at alam kong si Orion iyon.
"Mali ang napili mong hirang..."
Mabilis kong minulat ang mga mata ko kasabay ang paghawak ko sa dibdib ko, pilit pinipigilan ang malakas na kabog ng puso ko.
Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga ngunit nakita kong taimtim na natutulog si Orion sa tabi ko. Nakaupo lamang siya sa isang upuan at nakadukmo sa gilid ng kama. Ayokong maistorbo ang pagtulog niya kaya hindi na muna ako tumayo.
Hindi pa rin siya nakakapagpalit ng damit at gayon din naman ako. Ibig sabihin hindi pa ako ganoon katagal tulog. Kung tutuusin, hindi ako sigurado kung nakatulog ba ako o ano. Huli kong nalang natatandaan ay ang boses at mga salitang binitawan niya.
Paulit-ulit na bumubulong ang mga salitang iyon sa isip ko. Pinipilit akong pagtuunan ko sila ng pansin. Ngunit hindi ko gagawin iyon, hindi ko sila papansinin.
Imposible.
Imposibleng mali ang hirang, dahil ako ang pipili noon at wala ng iba. Ang puso ko ang magdidikta ng magiging hirang. Hindi ba?
Papaanong mali kung natalo namin ang Prime Kreeper nang magkakasama? Iyon lang naman ang nakatakdang mangyari 'di ba?
"Kamahalan," Lumingon ako sa pinanggalingan ng mahinang boses.
Her set of red eyes caught mine, glittering their way up to mine. It was mezmerising, just like Orion's, but her's send shivers as I look deeper.
"Ako si Linett, nakatatandang kapatid ni Orion. Humingi ako ng tawad at wala ako sa kasal ninyo." She said in her silvery voice. Moderate yet clear to listen.
Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Sandali siyang yumuko at di nagtagal ay naglakad siya papunta sa amin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Tinawag niya akong kamahalan at yumuko pa siya bilang pagbibigay respeto pero nakakatandang kapatid pa rin siya ng asawa ko. Ibig sabihin ate ko na rin siya.
Hindi ko namalayan na sa pagmumuni ko, nakalapit na siya sa amin. Natauhan lang ako nang batukan niya si Orion. Napahulyaw sa sakit si Orion na nakuha pang mahulog sa sahig nang tumama ang kamay ni Linett sa ulo niya.
"Gising na ang asawa mo, tutulog-tulog ka pa riyan!" Bulalas niya.
Tatayo na sana ako para tulungan si Orion pero mabilis din siyang nakatayo nang mag-isa.
"Esmé, okay ka na? Ano bang nangyari sa 'yo? Bigla ka nalang hinimatay kanina, nataranta kaming lahat." Gustuhin ko mang sagutin ang mga tanong niya kaso masyadong mabilis at hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para makasagot.
"Hindi ko maintindihan kung bakit napili kang hirang, gayong ganyan ang ugali mo." Minasahe pa ni Linett ang sentido niya sa pagkadismaya sa kapatid niya.
Ang kaninang nag-aalalang si Orion ay bigla nalang nagbago ng asta. Pumagitna siya sa aming dalawa ni Linett. Tumindig ito na tila ba isang pader na kaya akong proteksyonan sa ano pa man.
"Huwag mong kwestunin ang desisyon ng Alamat." Seryosong tinig ni Orion.
Alam kong sumeseryoso si Orion dahil umiinit ang katawan niya. Nakikita kong lumalabas ang usok mula sa dami na suot niya.
I reached for his hand, lightly squeezing it to calm him down. He looked over his shoulders and made an eye contact with me. Pinapaalam niya sa akin na alam niya ang kanyang ginagawa at kalmado lang siya.
"Masaya kami sa iyong pagbisita. Ngunit kailangan pang magpahinga ng asawa ko." Bahagya niyang pinisil ang kamay ko.
Hindi maipakakaila sa mukha ni Linett na dismayado siya sa mga pangyayari. Bawat galaw niya kitang-kita ko na hindi niya ako gusto para sa kapatid niya.
Lumakad si Linett patungo sa pintuan ngunit bago niya buksan ito ay muli siyang bumaling ng tingin sa amin.
"Wala ka bang napapansin?" Aniya sa kanyang kapatid.
Hinihintay ko sumagot si Orion. Maging ako na curious sa sinabi ni Linett. Kung tutuusin kaunti lang ang alam ko tungkol sa pamilya nila. Kahit pa hindi ako gusto ng kapatid niya, magandang pagkakataon pa rin ito para mas makilala ko pa sila.
Hindi sumagot si Orion pero ramdam kong may mali nang mabitawan niya ang kamay ko. Pinagmasdan ko si Linett pero wala naman akong makitang problema. Sinubukan ko ring kunin ang atensyon ni Orion sa pamamagitan ng paghawak sa mangas ng damit niya pero hindi man lang niya ako nililingon.
"Binalaan na kita." Bawat salita ni Linett may diin, may laman at alam kong hindi maganda ang mga iyon.
"Dahil sa katigasan ng ulo mo, nilalagay mo sa alanganin ang buong angkan."
Gustong-gusto kong magtanong kung anong pinag-uusapan nila. Alam kong problema ang balitang dala ni Linett at ramdam kong kasama ako sa mga dahilan. Kaya naman gusto kong magtanong pero hindi ako makatiyempo.
"Ayusin mo 'to Orion." Makahulugang paalala ng kanyang kapatid bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Hinayaan ko munang makalayo si Linett at naghinatay ako ng ilan pang segundi bago tanungin si Orion.
"Okay ka lang ba?" Hindi agad sumagot si Orion, malamang galit na naman siya. Kunot na naman panigurado ang noo niya. "May problema ba?"
Pagharap niya sa akin, hindi galit o kunot na noo ang nakita ko sa mukha niya. Nakangiti siya na tila ba walang nangyari.
"Walang problema." Aniya. "Okay ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?" Hirap akong tantsahin ang mukha ni Orion ngayon. Wala akong makita kahit kaunting pag-aalala, wala akong makitang galit at lalong wala akong makitang ngiti sa mga mata niya.
Pagkagising ko palang alam kong wala ako sa bahay namin. Hindi naman ako nag-alala dahil kasama ko naman ang asawa ko.
"Okay naman ako, pagod lang siguro kanina pero okay na ako ngayon." Ngumiti ako saka ko hinawakan ang kamay niya. "Uwi na tayo."
Hinila ko ang kamay niya dahilan upang bumaba siya sa lebel ko. Inilakad ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya't niyakap siya. Tensyonado ang katawan niya, hindi katulad ng mga dati kong yakap sa kanya. Tiyak ako, may problema siya at pakiramdam ko, ako ang problema.
"Mahal," bulong ko. "Kung ako man ang problema ninyo, pangako, gagawin ko lahat maging okay tayo."
Sa pagkakataong iyon, huminga ng malalim si Orion sabay ang yakap niya sa akin. Kakaiba ang yakap niya, mabigat ang nararamdaman niya, maging ako nararamdaman ko na rin iyon.
"Hindi ikaw ang problema. Walang problema. Walang magiging problema."
Kahit pa sabihin niyang wala, hindi naman ako bato para hindi malaman iyon. I decided not to say anything more about it.
"May naghihintay pa ba sa atin sa bahay?" I changed the topic.
"Siguradong naroon pa si Iñigo at si Titus. Hindi ko lang alam kung bumalik na ba mga magulang mo sa kanila." He said after standing and looking out the window.
"Can we go home now?"
Hindi ako sigurado kung nagsasalita ang mga magulang ko tungkol sa sitwasyon ni Orion. Pero kilala ko kung sino ang tiyak na magsasabi sa akin ng katotohanan— si Titus.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...