Book2 ~ Kaguluhan ~ 6

380 39 12
                                    

I had been listening and waiting all day behind the door waiting for the right time to go out. Hindi iniwan ni Orion ang sala at kusina, hindi ako makalabas.

Ang lagusan papuntang Solaris ay nasa garden sa likod bahay. Kung may bintana lang sana ang kwarto ni Iñigo 'di sana doon na ako dumaan. Ilang beses nang gumawa ng paraan si Iñigo para makasalisi ako papuntang garden pero tila nakakaramdam si Orion.

Hindi ko tuloy alam kung alam ba niyang nagtatago lang ako o nagkakataon lang talaga. Umabot ng ilang oras ang paghihintay ko. Ilan beses na akong pinagdala ni Iñigo ng maiinom at makakain. I am desperate to see Linett. Siya lang ang makakasagot sa mga tanong ko.

Wala akong alam sa mundong kinalakihan ni Orion. I don't even know why I became a part of it. I haven't really accepted every part of it. Si Orion lang talaga ang tinanggap kong maging parte ng buhay ko.

Mag-gagabi na nang maramdaman kong tila wala ng kumakaluskos sa kusina at sala. Diniin ko ang tenga ko sa pintuan, nakikiramdam sa kung makakalabas na nga ba ako.

Hindi na ako masyadong nahirapang gumalaw. Habang binabantayan ako ni Iñigo, pinapagaling niya ang mga sugat ko. Ngunit natira ang mga bali sa kamay kmat daliri ko.

"Mukhang wala na siya." I murmured.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob hanggang sa mag click ito. Ngunit nakarinig na naman ako ng mga yapag kaya muli ko itong binitawan.

"Titus," boses ni Orion. Mukhang nakabalik na si Titus. Mabuti pala hindi ako nakalabas. Nandoon pa pala si Orion.

"Anong ginagawa mo d'yan?" Ani Titus. Rinig ko ang paglangitngit ng kahoy na sahig.

"Nasaan ang asawa ko?" May hindi magandang paturing ang tono ng pananalita ni Orion.

"Bakit mo sa akin hinahanap si Esmé? Ikaw ang kasama niya rito noong umalis ako." Madalang lamang magtaas ng boses si Titus. Alam kong hindi maganda ang patutunguhan ng pag-uusap nila.

Gustong-gusto ko nang pihitin ang pintuan at lumabas para mapigilan sila. Ayokong magalit muli si Orion katulad ng nangyari. Baka ano pang magawa niya kay Titus.

"Alam kong hindi kasama ni Esmé ang mga magulang niya at ikaw lang ang alam kong huli niyang nakasama. Itinatago mo ba si Esmé sa akin?"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong buksan ang pintuan. Sumilip ako sa nangyayari. Hawak-hawak na ni Orion ang leeg ni Titus at nakaangat na ito sa ere.

"Hindi mo pa rin ba tanggap na ako ang napili niya at hindi ikaw!"

Kailangan ko nang mamagitan sa kanilang dalawa. Alam kong hindi basta-basta kakalma si Orion hanggat wala ako.

Nang akma kong nang bubuksan ang pintuan para makalabas ako, dumating si Iñigo at pinigilan si Orion sa pananakal na ginagawa niya rito.

"Paano ka niya sasagutin kung sinasakal mo siya!"

Hindi na ako tumuloy sa paglabas. Mabuti nalang dumating si Iñigo.

"Hindi ko kasama si Esmé. Lahat kami ipinagkatiwala ang Alamat sa 'yo tapos sasabihin mo ngayon na hindi mo alam kung nasaan siya? Ikaw ang dapat na nag-aalaga sa kanya. Ano bang ginagawa mo!"

Sa pagkakatong iyon si Titus naman ang sumugod kay Orion. Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Orion na hindi niya naiwasan.

Wala ng salita ang lumabas mula kay Orion, bagkus ay nagpamalas nalang ito ng suntok sa mukha ni Titus. Pilit na umaawat si Iñigo ngunit dala ng galit ng dalawa ay hindi niya sila mapaghiwalay.

Nagaagaw ang nais gawin ng puso ko sa dapat sundin ng isip ko. Ayoko mang makita ako ni Orion nang ganito dahil alam kong magtataka siya kung saan ko galing ang mga pasa at bali sa mga kamay ko. Pero hindi ko rin kayang tumunganga nalang dito habang magpapatayan ang dalawa.

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon