Muli akong bumalik sa kasalukuyan. Nakapalibot pa rin sa akin sina Leo, Titus at Iñigo. Sa hindi kalayuan, nakatayo't kita kong nag-aalala si Orion habang pinipigilan siya ni Linett na lumapit sa akin.
Ang sakit sa dibdib ko'y unti-unti nang nawawala. I thought I went somewhere else. It was real. That place and her.
Me.
"Kailangan mo siyang ibalik sa Atmos." Untag ni Titus.
"Hindi nagiging maganda ang lagay niya dito." Ani naman Iñigo.
Bakit pakiramdam ko may alam sila sa kalagayan ko?
Kung alam lang nila ang nangyari sa amin sa Atmos malamang hindi nila mamasabi ang mga iyon.
"Hindi ganoon kadali ang sitwasyon namin sa Atmos. Mayroon kasing nangyari." Sagot naman ni Leo.
My vision wasn't that clear. It took time before I could finally stand on my own. Parang umiikot ang paningin ko.
"I-I'm fine now."
I tried to stand on my own. Nanginginig ang mga tuhod ko. Para akong nanggaling sa napakahabang lakaran.
"No you're not." Ani Titus.
He held my hand to help me stand. Pero mabilis na kinuha ni Leo ang kamay kong hawak na na ni Titus.
"Ako na." Aniya.
Batid kong labis ang pag-aalala nila para sa akin. Ngunit sa kanilang lahat, ang pag-aalala ni Orion ang pinakamatimbang.
"Kailangan mo nang magpahinga Esmé." Ani Leo.
Leo cares so much for me. Masyado na ang pag-aalagang ginagawa niya sa akin. I don't deserve it. I don't deserve him.
"Leo, kailangan ko silang makausap. Baka may mga bagay silang alam na hindi natin alam." I begged.
His facial expression became doubtful. Alam kong ayaw niya akong pakawalan sa paningin niya.
"Matagal ko na silang hindi nakakasama. May mga problema pa kaming hindi napag-uusapan. Please Leo."
I badly want to talk to them. Ang dami kong kailangang ipaliwanag. Ang dami kong gustong ikwento. Madami akong kailangang ihingi ng tawad lalo na kay Orion.
There were times, I became unfaithful.
Both of them don't deserve the pain I'm causing.
"Please hayaan mo akong ayusin 'to. Ako ang dahilan ng lahat 'di ba? Ako lang ang makakaayos nito."
Hindi ko alam kung bakit pero tila napagod ako. Napagod sa pagkalito sa nararamdaman ko.
"Natatakot ako." He finally uttered.
Leo never fails to melt my inner self. Ano bang klaseng lalaki ito na parang ang dali para sa kanya ang magpahayag ng damdamin?
"Takot ako na baka kapag hinayaan kita, tuluyan mo na akong iwan." He continued.
Lalong bumigat ang pasanin ko. Napakahirap balansehin ang pagmamahal ko kay Orion at pagmamahal ni Leo para sa akin.
Hindi ako makapili. Hindi ako hinahayaan ng pagkakataon na makapili.
"Alam kong kasalanan ko kung bakit nagkaganito tayo--kayo. Hindi ko sinasadyang mangyari 'to Esmé. Hindi ko sinasadyang masaktan ka ng ganito." His eyes starts to swell in tears though he tries to hold them back.
"Nangyari na ang nangyari. Hindi na natin puwedeng balikan 'yun. Maaayos natin 'to. Magtiwala ka sa akin." I tried to smile. Pinipilit na itago ang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...