Book2 ~ Milagro ~ 26

236 19 1
                                    

Tatlong linggo na pala ang lumipas simula nang huli kong nakausap si Leo. Hindi naman ako talagang nagalit sa kanya sa pagpupumilit niya kalimutan ko na si Orion. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang nangyari sa amin ng asawa ko. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Dahil sa puso at isipan ko, buhay na buhay pa rin si Orion.

Hindi ako tumigil sa gabi-gabing pagdarasal ko sa Altar namin para sa kaparehong hiling. Oo, kasama pa rin ang hiling na muli naming pagkikita ni Orion.

Alam kong imposible ang nais ko. At tulad ng sinabi ko kay Leo. Isang milagro ang hinihiling kong mangyari. Isang milagrong hindi ako magsasawang maghintay.

Nanatili ako sa trabaho ko sa book store, na ngayon ay isa na ring kapehan. Binili na kasi ng katabing coffee shop ang book store simula nang mapunta na sa bangko ang pangangalaga sa book store. Swak na swak naman ang dalawa dahil simula nang mag-merge ang dalwang business ay mas dumami ang mga customer namin.

May bago na akong kasama sa trabaho ngayon. Si Toffee. Saktong-sakto sana ang pangalan niya para sa coffee shop pero pinili niyang magtrabaho sa book store. Pero magaling siya, marami siyang alam at hindi ako nahirapan sa trabaho nang dahil lang bago ang kasama ko.

Madalas siya sa cashier at ako sa pag-aayos ng mga libro. Hindi ko pa kasi kayang ngumiti sa mga tao at mabuti nalang naiintindihan ng bago naming boss.

Hindi ako makapaniwala na tila ba bumabalik sa dati ang buhay ko. Ang dating buhay ko bago ko makilala sina Titus at Orion. Inaamin kong sa tuwing may papasok sa pintuan at tutunog ang bell ay napapalingon ako.

Umaasa ako na mukha ni Orion ang masilayan ko.

Bakit ba raw hindi ko pa matanggap na wala na siya?

Isa lang ang sagot ko. Hindi ko rin alam.

Siguro dahil nanggaling sa kanya ang lakas na dumugtong sa buhay ko o kaya naman baka dahil kailangan ko pa ng kaunti pang panahon para matanggap ang katotohanan.

Alam kong maraming nag-aalala para sa akin. Nandyan ang mga magulang ko na pilit akong pinapauwi sa bagong bahay nila para raw hindi ako malungkot. Sina Iñigo at Titus na araw-araw kong kasama at araw-araw din akong sinusubukang patawanin.

Ewan ko ba naman kasi kay Orion. Sa dinami-rami ng sugat na kinaya niyang pagalingin mula sa huling lakas na bigay niya sa akin. Isang sugat pa ang hindi niya nagawang pagalingin.

Ang sugat sa puso ko na siyang pinakamasakit.

Pagkatapos ng trabaho ko diretso uwi ako. Ganito ang naging buhay ko simula nang bumalik ako sa trabaho. Pagkauwi ko ay dinatnan ko si Iñigo at Titus na nakaabang sa akin. Malungkot ang mga mukha nila.

Nakaligtaan kong ngayon na pala ang araw ng alis nila pabalik sa kanilang mga mundo. Kung tutuusin matagal nang tapos ang misyon nila sa akin. Nanatili lang sila sa tabi ko bilang mabubuting kaibigan ko.

"Huwag na kayong malungkot. Kayo nga ayaw niyo akong malungkot di 'ba? Dapat kayo rin."

Lumapit ako sa kanila para bigyan sila ng yakap. "Okay lang ako dito. Kaya ko naman. Kakayanin."

"Kung pwede lang huwag nang bumalik, gagawin ko." Ani Titus.

"Baliw. Nagpagaling ka muna sa inyo. Doon gagaling ka na parang walang nangyari sa 'yo. Saka ka na bumalik kapag okay na okay ka na." Matipid akong ngumiti.

"Kung sasabihin mong huwag na akong umalis, gagawin ko Esmé." Wika naman ni Iñigo. Masarap sa pakiramdam na marinig ang mga ganoong salita mula sa mga kaibigan. Pero sobra na ang nagawa nila para sa akin.

"Kailangan mong maibalik yang kakayahan mong magpagaling. Kapag napagaling mo na ang sarili mo, saka ka na bumalik dito."

Muli ko silang niyakap. "Alam kong nag-aalala kayo para sa akin. I'll be fine. Isipin niyo muna ang mga sarili niyo ngayon."

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon