Hindi pumayag si Orion na umuwi sa Solaris. Wala naman daw siyang problema at ayaw daw niyang makasama ang nakatatandang kapatid niyang si Linett.
Totoo namang sa halos dalawang linggong magkakasama kami sa bahay, walang gulong nangyayari. Hindi na naging mainitin ang ulo niya.
"Kamahalan," untag ni Titus habang nagliligpit ako ng pinagkainan.
"Titus, hindi mo 'ko kailangan tawagin ng ganyan. Esmé lang, please." Alam kong may sinumpaan siyang tungkulin at kaakibat niyon ang pagtawag sa akin ng kamahalan, pero wala naman ibang nakakarinig at hindi ako sanay kaya pinagbabawalan ko talaga siya.
"Wala na akong makitang dahilan upang magbatay pa sa pagbabago ng ugali ng hirang." Aniya na magalang pa rin ang pasasalita.
"Totoo 'yan. Wala naman din naman kasing dahilan para magalit siya. Sa palagay ko, pagod lang siya n'un." May ngiting sagot ko.
"Kung inyong mamarapatin, babalik muna ako sa Solaris para magbigay balita sa mga pinuno," aniya.
Kung tutuusin hindi naman niya kailangan magpaalam sa akin. Alam ko namang may mga tungkulin siya na dapat gampanan.
"Wala namang problema sa akin 'yan." Sagot ko habang naghuhugas ng pinggan.
"Hindi ako agad babalik nang mabigyan kayo ng oras pansarili bilang mag-asawa."
Halos dumulas ang pinggan sa kamay ko nang marinig ang sabi ni Titus. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ikabahala sa sinabi ni Titus o wala. Maiiwan kaming mag-isa ni Orion dahil maging si Iñigo ay umalis at bumalik na sa templo.
Sa dalawang linggong pagsasama namin ni Orion sa isang kwarto gabi-gabi. Nananatili pa rin akong birhen.
Hindi naman sa hindi napupunta sa ganoong estado si Orion. Pero sa tuwing susubukan niya, hindi ako mapakali. Alam kong unfair iyon para sa kanya, pero mabuti nalang at naiintindihan niya.
"Hindi naman ako nagmamadali, mahal ko, maghihintay ako sa araw na handa ka na."
Hindi ko naiwasang mamula nang bigla nalang pumasok sa isip ko ang madalas bigkasing salita ni Orion sa mga gabing natataranta ako.
"Batid kong masaya ka sa napili mong hirang," tumingala ako sa mukha niyang nababahiran ng lungkot. "Inaamin kong masakit pa rin para sa akin hanggang ngayon na hindi ako ang napili mong mahalin. Pinipilit kong maging masaya para sa 'yo Esmé."
"Titus..."
Umiling-iling siya. "Ipagpatawad mo kamahalan, hindi dapat ako nagsasalita ng ganon. Mas mabuti pang umalis na ako."
Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para makapagsalita. Gusto ko sanang pigilan siya pero sa isang iglap lang nawala na siya. Inaamin kong nasaktan ko si Titus nang piliin ko si Orion.
Ang akala ko ayos na ang lahat sa kanya. Sabi nga niya noon, wala naman akong nagawang mali dahil nagmahal lang ako. Kaya inisip ko na tanggap na niya, pero hindi pa pala.
Nang matapos ko ang nililinis kong mga pinggan, nakaramdam ako ng pag-iinit ng temperatura. Tumingin ako sa binata, may araw pa ngunit hindi naman iyon ganoon ka tirik para magbigay ng ganitong init.
Tinanggal ko ang apron ko at itinali ang buhok ko para kahit pa paano'y mapreskuhan naman ako. Ngunit nang ilang saglit lang ay mas uminit ang pakiramdam ko.
"Niloloko mo ba ako?"
Kinilabutan ako sa galit na boses ni Orion na nagsalita sa gilid ng tenga ko. Hindi ako makagalaw dahil hawak-hawak niya ang magkabilang braso ko.
"Anong sinasabi mo?" Pagtataka ko.
"Nagmamaang-maangan kapa. Kitang-kita ko kayong dalawa! Namumula ka pa!"
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...