Book2 ~ Miracle and Curse ~ 27

243 17 1
                                    

Matamis na buntonghininga ang naipakawala ko nang maramdaman kong pagising na ako sa isang napaka gandang panaginip.

Buhay si Orion.

Alam niyang pupuntahan ko ang sinyales na galing sa kanya -- ang Orionids. Alam niyang kahit na anong mangyari hinding-hindi ako makakalimot. Alam na alam niya kung ganoon ko siya kamahal.

Masaya ako dahil kahit sa panaginip lamang ay nakita ko ulit ang mga mata niya. Kataka-takang hindi na kulay dalandan ang mga iyon. Baka ganun talaga kapag nasa kabilang buhay na.

Gayunpaman, nararamdaman ko pa rin ang kakaibang init na bumabalot sa katawan ko. Masarap sa pakiramdam dahil kahit may mga alon akong naririnig at malamig ang hangin ay wala akong tinag o takot na nararamdaman.

Alon.

Nakakapagtaka. Bakit hanggang ngayon naririnig ko pa ang hampas ng mga alon?

Marahan kong binuksan ang mga mata ko. Madilim na ang kalangitan at may mga bituwin nang kumikinang. Pero mas pumukaw ng atensyon ko ang bonfire na bumabaga sa hindi kalayuan.

Iyon pala ang nagbibigay init sa akin.

"Nakatulog siguro ako rito marahil sa pagod," bahagya akong nahilo dahil sa mabilis kong pagupo. "Paano na ako uuwi nito?"

Wala na akong makita sa paligid ko. May naaaninag ako mula sa malayo pero malabo na at hindi ako siguradong ligtas kung pupuntahan ko iyon.

Napatingin ako sa bonfire. "Kung sino man ang gumawa nito, maraming salamat sa 'yo. Sana nilubos mo na at ginising ako at isinama sa siyudad." Hindi ko maiwasang mapaluha.

Nakakatakot ang dalampasigan sa gabi lalo na walang ibang tao at tanging bonfire lang ang nagsisilbing kasama ko. Natatakot din ako na baka may wild animal na magpakita rito at lapain ako nang walang kalaban-laban.

Prime Kreeper nga natalo mo. Hari nga ng Atmos natalo mo, well, kasama ka sa mga tumalo. Wild animal lang, matatakot ka?

Kailangan kong palakasin ang loob ko. Ito na lang ang tanging magagawa ko para sa sarili ko ngayon.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang bag ko, na tila talagang inilagay malapit sa init upang patuyuin ang mga gamit ko roon.

Basa lahat. Notebooks. Books. Pera. Cellphone. Lahat-lahat basa!

That got me thinking.

Kung basa ang mga gamit ko, malamang hindi panaginip ang nangyari sa akin kanina?

Totoong lumusong ako sa dagat at inabot ng malaking alon. Totoong kamuntikan na akong mamatay. Pero may isang lalake ang sumaklolo sa akin.

Sa simpleng pag-isip sa ideya na totoong nakita ko siya kanina at totoong siya ang nagligtas sa akin. Lumambot ang puso ko't bumuhos ang mga luha ko.

Hindi ko mapigilan.

Kung panaginip pa rin ito sana hindi na ako magising.

"Esmé,"

Napatakip ako ng bibig sa boses na matagal ko nang ninanais marinig muli. Hindi ko magawang gumalaw at humarap sa lalaking tumawag ng pangalan ko. Nanghina ako. Kilala ko ang may-ari ng boses na iyon. Walang iba kung 'di si..

"Orion,"

Mahigpit na yakap ang bumalot sa akin na nanggaling sa likuran ko. Yumuko ako upang makita ang kanyang mga braso. Hindi ako pwedeng magkamali, kay Orion ang mga brasong ito.

"A-ang akala ko," hindi ko magawang ituloy ang nais ko sabihin. Masyadong malakas ang tibok ng puso ko para hayaan akong makapagsalita. "Totoo bang,"

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon