"Orion..."
Hawak-hawak ko pa rin ang mga balikat ni Leo nang makita ko si Orion na bigla nalang lumitaw mula sa masukal na parte ng hardin.
Halos hindi ko mabigkas ang pangalan niya. Nanuyot bigla ang basa kong labi't lalamunan nang makita kong nakakuyom sa galit ang dalawa niyang kamay.
"S-sandali lang Orion..." sinubukan kong magsalita para makapagpaliwanag. Pero hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin ko.
Maluha-luha si Orion ngunit mag nangingibabaw ang galit niya. Ang mga mata niyang kulay dapit-hapon ay tila nagiging madugong giyera.
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak kay Leo at nang akma akong lalapit kay Orion ay nawala siya sa paningin ko.
Laking gulat ko nang nakalundag na pala ito nang pagkataas at pababa na sa kinatatayuan namin. Sobrang bilis ay hindi na siya nahagip ng mata ko.
Pagkaharap kong muli kay Leo at nakatingin ito sa itaas. Nakita niya na pasugod si Orion sa kanya. Pupustura na sana si Leo, maghahanda sana para lumaban. Ngunit hirap siya dahil sa mga natamong sugat.
May kung anong lakas ng loob ang rumagasa na parang galit na ilog sa kaloob-looban ko. Umubra na naman ang pagiging matapang ko.
Bahagya kong tinulak si Leo para ako ang mapunta sa harapan niya. Para sa akin didirekta ang nakaambang mga kamao ni Orion.
Nanlaki ang mga mata ni Orion nang makita na ako ang nasa harapan niya. Ngunit huli na para umurong siya.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakasangga ang dalawa kong kamay na pomormang naka-ekis. Nag-init ang mga iyon nang maramdaman kong may kung anong tumama sa mga ito.
Sinalubong ng mga braso ko ang kamao ni Orion. Nanlaki ang mga mata niya tila gulat dahil hindi niya inakala na mas malakas pa ako kaysa sa kanya.
Nakaramdam ako ng kakaibang lakas na dumadaloy sa mga ugat ko. Katulad nang naramdaman ko nang ipagtanggol ko si Leo sa kanyang amang hari.
"Tumigil ka Orion!" Pagpigil ni Titus na bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Hawak niya ang braso ni Orion at pilit na inilalayo sa akin.
Hindi ko na nakita kung saan nanggaling si Titus. Ngunit mabuti nalang at dumating siya dahil kahit pa paano, napigilan niya si Orion.
Tumigil ang tila labanan namin ni Orion. Dama ko sa sarili ko ang pagkagulat sa bagay na nagawa ko.
Nagawa kong kalabanin si Orion para protektahan si Leo.
Hindi na maganda itong nangyayari.
"S-sandali lang kasi Orion. M-magpapaliwanag ako." Bakasakaling malaman ko kung paano ko sasabihin ang lahat sa kanya.
Ngunit nang humahakbang ako papunta kay Orion ay siya namang urong niya. Kalakip ang mga sigaw na puno ng galit.
Makailang beses niyang pinagsusuntok ang kamao sa mga punong malapit sa kanya. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha, alam kong may lungkot sa kanyang pagkatao.
Gustong-gusto ko siyang puntahan pero natatakot ako sa kanya. Muling gumuhit ang nakaraan sa isipan ko. Bumalik sa mga panahong nakita kong sa akin umulos ang mga kamaong iyon.
Takot na takot na baka masaktan niya na naman ako.
Tumigil ang pagsuntok niya sa puno. Ipinahinga niya ang mga duguang kamao at yumuko siya na tila isang talunan. Mala-kristal na kumikinang ang bawat ng luha nanggaling sa kanya.
"Dalawang buwan kang nawala Esmé," malat ang boses niya. Batid ko galing iyon sa pagsigaw niya kanina.
"Tapos makikita kitang kasama 'yang lalaking 'yan." Sa kanyang pagharap muli sa akin ay tumambad ang mga mapupula niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...