"Makakalimutan mo ang lahat simula sa noong unang pagbilog ng buwan."Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sinabi ng Reyna. Bakit ba kailangang makalimot pa ako? Nagawa naman niya dati na kunin ang Cosmos na walang nagbabago sa memorya ko pero bakit ganito ngayon? Marami pang katanungan sa isip ko na gusto kong klaruhin sa kanya pero hindi rin siya nagtagal para kausapin ako. Iwas sa akin si Gabriella ngayon marahil dahil sa nangyayaring kalituhan sa amin ni Leo. Pero siya na rin ang nagsabi na hindi kami ang maygawa nito kung 'di ang Cosmos pa na nasa katawan ko hanggang ngayon.
Nanatili kami ni Orion sa bahay na iyon at doon nalang daw kami magpalipas ng gabi. Wala kaming choice ni Orion kung 'di sumunod nalang sa alok ni Leo. Alam kong labag iyon sa isip niya. Ramdam ko ang selos ni Orion kay Leo. Minabuti kong bumangon sa higaan upang hanapin si Orion. Ang sabi niya magpapahangin lamang daw siya pero hindi na siya bumalik sa kwarto. Nadatnan ko siyang nakatayo sa may labas ng pinto. Malalim ang iniisip niya at alam kong may tampo ito sa akin.
Yumakap ako sa kanyang likuran. Mahigpit na yakap na alam kong magpapaalam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Bahagya niyang hinaplos ang mga kamay ko pero ramdam kong may tampo pa rin sa mga iyon.
"Huwag ka ng magtampo, mahal. Maaayos din ito. Sigurado akong may iba pang paraan para mawala ang cosmos at mananatili ang alaala mo sa akin." Malalim na buntonghininga lang ang naging sagot niya sa akin.
"Imposible naman atang makalimutan kita." Paglalambing ko.
Umikot siya upang makaharap ako. "Lahat maaaring maging posible, Esmé. Paano kapag nakalimutan mo na ako at si Leo ang piliin mo?" Naluluha niya wika.
Itinukop ko ang palad ko sa pisngi niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ang nagagawa ko sa taong mahal ko. Hindi niya ito dapat maranasan. Malaki ang naging sakripisyo ni Orion para sa akin. Namatay siya para iligtas ako. Nabuhay man ay nawala naman ang kakayahan niya bilang isang Henki. Sinasabi ko palagi sa kanya na mahal ko siya pero tuwing nariyan si Leo ay tila nagbabago ang dikta ng puso ko.
"Hindi ba pwedeng lumayo nalang tayo sa kanilang lahat? Hayaan nalang natin ang cosmos at magtago nalang tayo sa malayo. Ayokong mawala ang alaala ko sa 'yo."
"Kung hindi lang sana nawala ang pagiging Henki ko. Ilalayo talaga kita rito. Hindi ko kayang ilagay sa panganib ang buhay mo dahil alam kong wala na akong kakayahang labanan ang mga halimaw na gusto yang Cosmos sa katawan mo."
"Pero ayokong makalimutan ka,"
"Alam ko. At ayaw ko ring mangyari iyon. Esmé," malalim na buntonghininga ang linakawalan ni Orion bayo ito muling tumalikod sa akin. "iwan mo na muna ako rito. Magpahinga ka na."
Ayoko mang iwan siya ng ganoon ay mas pinili ko ng mapag-isa muna siya. Alam kong sobrang nasasaktan siya at ang rason ay ako. Ako na naman. Lahat nalang ba ng nagmamahal sa akin ay nasasaktan?
Sa pagpasok kong muli sa bahay ay nadaanan ko ang isang salamin sa may pasilyo. Kumikinang ito at sa pagtingin ko rito ay nakangiting mukha ko ang naroroon. Hindi ako makangiti sa sitwasyon ko ngayon pero sa salamin masaya ako. Gusto kong umiwas pero hinihila ako nito upang tumingin sa kanyan.
Nagbago bigla ang lugar na kinatatayuan ko sa salamain. Kilala ko ang lugar na iyon. Kilalang-kilala. Sa pagkat iyon ay ang luma naming bahay. Maayos na iyong muli at naroroon ang mga magulang ko. Masaya nila akong sinalubong at inaya na magsalu-salo. Hindi lamang pamilya ko ang naroroon. Maging ang mga katrabaho ko na matagal ko ng hindi nakikita. Hindi ko naiwasang mapangiti sa nakita ko. Ito ba ang buhay na mararanasan ko at ng pamilya ko kung makakalimutan ko ang lahat?
Masaya sana pero nasaan si Orion? Wala siya sa buhay na mararanasan ko. Umiling ako. Hindi puwede. Kailangan ko si Orion sa buhay ko. Hahakbang na sana ako palayo sa salamin ngunit halakhak ni Orion ang narinig ko. Ang akala ko pumasok na si Orion at sinundan na ako ngunit sa salamin nanggaling ang boses niya.
Naroroong muli ang mala-dalandan niyang mga mata at angas na nagustuhan ko sa kanya. Nagpapakitang gilas ito sa harap ng madla gamit ang kanyang lakas bilang isang Henki. Malaki ang pulong ng mga mamamayan at masaya silang nagpupunyagi para sa kanya. Hindi nagtagal, dumating ang matandang pinuno upang hirangin si Orion na maging bago nilang pinuno. Napakasaya ni Orion. Napakalakas niya.
"Hindi ba't mas makakabuti para sa kanya ang tuluyan mong paglimot sa mga pinagsamahan ninyo?"
Napatingin ko sa pinanggalingan ng boses sa aking tabi. Si Gabriella. Alam kong siya ang may gawa ng nakikita ko sa salamin.
"Bakit mo ginagawa 'to?"
"Hindi pa ba maliwanag?" aniya na may ngisi. "Kapag pinili mong makalimot, mapupunta ang lahat sa kani-kanilang tamang lugar. Lahat magiging masaya."
Hindi ko pa man lubusang maisip ang mga sinabi niya nang nakuha ng atensyon ko ang pagbukas ng pintuan. Si Orion ang iniluwa niyon. Malungkot ang mukha niya. Alam kong ayaw niyang nandito kami kung saan naroroon din si Leo.
"May nangyari ba?" Pag-aalala niya.
Agad akong lumingon sa gilid ko kung saan nakatayo si Gabriella kanina ngunit wala na siya. Maging ang mga larawan sa salamin ay wala na rin.
Umiling ako. "Magpapahinga na ako."
Pumasok ako sa silid na inihanda para sa amin. Mabigat sa loob ko ang hindi pagsabi kay Orion sa nangyari. Pero mas pinili ko nalang na manahimik dahil taliwas na naman iyon sa kagustuhan niya.
Humiga ako sa malambot na kama at hindi nagtagal ay sumunod si Orion. Mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin mula sa aking likuran. Hindi ko alam bakit pero bigla na lamang bumalik sa isip ko ang malakas na si Orion na nakita ko sa salamin. Miss na miss ko na ang Orion na iyon. Yung mayabang na Orion. Mahigpit kong hinawakan ko ang kamay niya. Ayoko siyang magdusa nang dahil sa akin. Ayokong maging mahina si Orion dahil lang sa mahal niya ako.
Bumaling ako ng tingin sa kanya sabay ang mahigpiy kong yakap. Mangiyak-iyak kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ko kailangan magsalita dahil alam kong ramdam niya ang bigat sa puso ko. Malambing na halik ang ibinigay niya sa noo ko.
"Bukas aalis na tayo rito," untag niya. "Magsasanay ako para maipagtanggol kita tulad nang dati."
Tumango ako. Tama si Orion. Dahil bukas matatapos na ang lahat ng ito. Maibabalik na sa lahat ang kanilang mga nararapat na hinaharap.
BINABASA MO ANG
She's the Legend
FantasyMalamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasan? Inakala ni Esme na katapusan na ng kanyang buhay dahil sa paninikip ng kanyang dibdib sa ilalim ng malaki at bilog na buwan. Bata pa lama...