Ikaw At Ako

844 23 12
                                    

-Nicole Ong
Ikaw yung tipo ng taong ang hirap. Ang hirap
Bitawan.
Ikaw yung tipo ng pagmamahal na hahanapin kung
Saan saan.
Ikaw yung pagkakamali na lakas loob kong nanaisin na
Gawin muli.
Ikaw yung pagmamahal na wala mangkasiguraduhan.
Wala mang paanyaya
Wala mang sapat na dahilan. Pero ikaw. Ikaw ang gusto
kong makasama.

At ako?
Ako yung tipong ang dali daling bitawan
Ako yung tipong pinagtatawanan
Dahil sa katangahan.
Ako yung tipo na, hindi mo kayang isugal
Lahat ng iyong baraha.
Dahil ang iyong mga baraha ay mas may halaga pa.
Kasi ganun naman talaga diba?

Ikaw at ikaw parin ang bida sa kwentong
ito.
Ikaw ang kalangitan para sa lahat
Pero ako
Ako yung kadiliman sa gabing tulog na
Ang mga ulap.

Nais kong pangahawakan ang salitang
"TAYO"
Ngunit sa bawat pagsambit ko neto. Ikaw na sisigaw rin na
Tapos na tayo.

Bakit ka bumitaw ng parang ikaw lang ang
Nakakapit?
Niluwagan mo ang tali ko sayo pero eto si ako
Kumakapit sa higpit ng
Iyong mga lubid.
Bakit ka naglayag sa madilim na karagatan na
Parang ikaw ay lulan
Sa barko ng ating pagmamahal
Paano naman ako?
Saan nga ba ko nalulugar sa puso mo?
Oh mas tamang itanong ko kung may lugar nga ba ako?

Ang hirap mahalin ng  taong iba ang
aksyon sa ibinubuka ng bibig
Ang hirap mahalin ng taong ginawa mong
Sentro ng iyong mundo pero para sakanya, isa
Ka lang sa kontinente nito.

Bakit ba paano ba nabuo ang salitang "Tayo"
Kasi gulong gulo na ko
Abong abo na ang utak ko
Durog na durog na ang puso ko
Halos tumitigil na ang aking pulso

Totoo ngang mas lamang ang ikaw sa ako.
Dahil nakalimutan ko narin naman sarili ko.
Nailagay ka lang sa tuktok
Mg buhay ko
Nawala na ko.

At kung di pa malinaw at di mo pa mapansin
Ikaw at ako ay hindi na muling magtatagpo..

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon