#30 Paalam

107 7 0
                                    


(c)
-

Bakit ika'y tila sumuko na?, alam kong ika'y napagod na,
Na dapat nagpahinga muna, tsaka ipagpatuloy pa,
Ngunit ako'y nagkamali, mga pangakong iyo ding ibinali, mga salitang iyong sinabi , na ika'y parati sa king tabi, iiwan ay hindi mangyayari.
Subalit nasaan na ang iyong mga pangako, tuluyan na bang napako?

Sabi mo magpapahinga ka pag ika'y napagod, ngunit nasan ka? Yun di na kita inabot.
Tuluyan ng umalis, iniwan na naghihinagpis, mga damdamin na dati'y dapat inilihis.

Ngunit huli na ang lahat, ako'y parating nasasaktan, pusong dapa't dati ko pa pinangalagaan, mga luhang lagi kong pinupunasan, bakas ng pusong sugatan, na di ko dapat nararamdaman.

Ika'y masaya na, masaya na sa iyong bago mong nakilala,
Kilala nga lang ba o higit pa?
Gustong malaman ako'y mahal pa ba o hindi na?, gustong kausapin subalit may ibang gusto ng pasayahin, di na dapat pakialamin, sapagkat di ka na akin,

Tapos na, wala na.
Tatanggapin ba? Katotohan na may mamahalin ka ng iba.
Masakit, sobrang sakit
Tinatanong kung bakit, nakikita ka na may iba nang inaakit.

Anong nagawa ko?, At ika'y sumuko?, Ako ba'y nagbago, dapat sinabi mo para akin pang mabago
Di mo na dapat pa dinamay ang salitang pangako, mga pangako na iyo ding pinako.

Ako'y sinanay, sa mga bagay na di ako nasanay, na kung mag-alaga parang si nanay, pagmamahal na iyong inalay, ngayon ika'y nawalay, parang may sakit na wala nang umaalalay.

Ngayon tapos na, kailangang tanggapin pa, ika'y namaalam na, hahabulin pa ba?,
Gusto kong humakbang pabalik sayo, ngunit tuluyan ng napalayo, napatingin saiyong ikinatatayo, may nagpapasaya na para sayo,.

Parating nangungulit baka may pag-asa pa, ngunit iyong sinusumbat na tapos na, wala ng babalikan pa, para satin tong dalawa, ngunit masaya ba?, kung ika'y mawawala?

Napagod na,
Nagpahinga muna,
Nangako pa,
Mangiiwan din pala.

Minsan nang nasaktan sayo, sa mga salitang binibitawan mo, Libo-libong patak na iniluha ko, na parating umiiyak sa tuwing naaalala ko, ngunit di ito ang dahilan para ako'y sumuko.

Ako'y iyong ipinagpalit, sayong sariling kaligayahan at aking pait. sinaktan ng tulad mo , ang taong minsan lang umibig ng totoo.
Binali man mga pangakong binitawan mo, tandaan mo mga sasabihin ko, kung sasaktan ka ng taong mamahalin mo, andito pa naman ako naghihintay na balikan mo,
ibalik muli ang pagmamahal mo.

Salamat sa lahat ng effort na ibinuhos mo, sa mga oras na ibinibigay mo.
Salamat sa pagmamahal na pinagkaloob mo,salamat sa mga natutunan ko nang dahil sayo,natutunan ko kung paano maghintay para lang sa mahal mo,natutunan ko na di dapat tayo sumuko kasi pag may gusto kang makamit gagawin mo lahat para maabot mo ito,
Salamat dahil nakilala kita, na meron pa palang isang gaya mo.

Pasensya sa mga sakit na idinulot ko sayo,
Pasensya na kung parati kitang ipinagtataboy,
Pasensya kung minsan na kitang pinaluha,
Pasensya sa ugali kong di mo nagugustuhan,
At pasensya kung di ako yung perpektong babaeng pinapangarap mo, Pero sa tuwing tumatahimik ako sa tuwing mag-isa ako,pinagsisisihan ko lahat ng yan.
Pasensya na,
gusto kong malaman mo mahal na mahal kita.

Paalam na sa taong minahal ko at minamahal pa ng lubos, libo-libong patak ng luha na aking ibinuhos.
Paalam na sa taong inintindi ako, kahit ganto ugali ko, pagod ka na nga batid ko, kahit ako'y nasa kalagayan mo, iisipan kong ako'y susuko.
Mahal na mahal kita kahit ika'y may minamahal na.
Sasabihin ko din ang sinabi mo, paalam na sa taong pinakamamahal ko.
Paalam, hanggang sa muli nating pagmamahalan.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon