-Nicole Ong
Nung sinabi mong hindi mo ko iiwan umasa ako ng todo non, akala ko
magiging masaya
pero hindi pala
Akala ko tayo na hanggang huli pero
hindi pala.
Akala ko kakapit ka
pero. Hindi rin palaNung sinabi mong babalik ka, umasa din ako nun.
Dahil akala ko sa iyong pagbalik
Kwento ng matatamis na alala ang hahalik
Pero hindi. Bagsik lang pala ito ng isang katapusan
At sinabi mong hindi ka na babalik.Pero bat ganun kahit sinaktan mo ako iniintindi ka parin kita.
yung pagalis mo na parang wala ka ng maalala,
di mo na maalala yung ating pagsasama.
Yung pagsasama nating kala natin
hanggang katapusan na.Kala ko magbabago ka
Magbabago ka Lang pala para sa iba
Sa iba na walang kwenta
Na hindi ka naman kayang pahalagahan nilaBakit ang tanga ko?
Di ko magawang limutin ka?
Pinipilit na maghanap ng iba pero ikaw parin ang nasa puso ko?
Lagi kanalang nasa isip ko?
Di ko kayang wala kahanggang kailan ka ba magiging ganyan?
hanggang kailan ba ko aasa na ako ay balikan?Ikaw na syang iniisip ko araw araw
Ikaw na palagi kong hinahanap sa bawat segundo at oras
Ikaw na di ko kayang mawala sa piling ko
Pero ako
Ano nga ba talaga halaga ko sayo?Bakit ganon ikaw naman yung pinagkakatiwalaan ko sa lahat
Pero di naman ako yung sayo
Naalala ko pa nun Kung ituring mo ako parang ako
Lang pinagkakatiwalaan mo pero yun pala yung mga nasa paligid mong walang kwenta sila pa yung priority mo
at
Hindi ako.Kaibigan, ang salitang aking pinanghahawakan.
Aking kasama sa mga bagay na masaya't kalokohan.
Siya ang nagbibigay payo sa mga panahong di ko inaasahan
Bakit ikaw pa yung naisip ko samahan
ganyan ka ba kaimportante sakin kase nahahayaan
ko yung iba para
Lang sayo eh ako ano ba ako para sayo
isang kaibigan
Lang naman ang Turing mo na kapag may kaylangan ka
Lagi akong nandito yun Lang naman eh
Nung nangaylangan ba ko nagawa mo ba ako suportahan
tulad ng pag supporta ko sayo?Ano bang pangalan mo? MICHAEL?
nandyan lang pag MICHAELangan?
Kasi alam mo sasamahan mo lang ako
pag wala kanang masamahan.Alam ko naman na parte nalang ako ng nakaraan mo.
tanggap ko naman na ako ay muling masasaktan
kapag ikaw ay kinaibigan.
kaya nga hanggang kelan ko ba maiisip na ikaw ay talikurin.Hanggang sa muli aking kaibigan
Minahal kita ng lubusan
Sana iyong mata ay muli ng mabuksan.
At ng ako ay makita mong lumisan.Ctto: sa mga kaibigan ko!😂
BINABASA MO ANG
(un)Spoken Words
PoetrySawi ka ba? Halina't magbasa🔥💯 Source Spoken Word Tagalog-Poetry add them on Facebook https://www.facebook.com/nik.ramos.33449 #17- 5/13/17 #19- 5/11/17 》》》》》》》》》》》《《《《《《《《《《《《 ❕❗AUTHORS NOTE❗❕ SOME OF THE POEMS ARE FROM SPOKEN WORD...