#24 Wala Ka Ng Pake?

173 7 6
                                    

Ni: Nicole Ong (Author😂)

Sinasabi nga ng karamihan
may "pake ka lang pag may kailangan."
Yun din daw yung ugali ng di tunay na kaibigan.
Kaibigan. Kung ikaw man ay nagbabasa.
Alam mo bang unti unti na kitang napaghahalataan.
Na nagkakapake ka lang pag problemado ka.
Pero pag ako na yung nangailangan halos di na kita nararamdaman.
At ako lang ang tangi mong nilalapitan.
Na agad mong iniiwan.

Isinulat ko tong piyesang ito para sa isang kaibigan ko.
Kung nagbabasa ka man ngayon kilala mo na siguro
Ang saliri mo.
Alam mo ba sa sarili mo na mas malamig ka pa kesa sa yelo?
Mas malamig ka pa sa aircon nyo.
Gustong gusto kitang kausapin pero
Hindi ako sigurado sa sarili ko.

Hindi ako sigurado kung okay ba tayo?
Hindi ako sigurado kung may pagkukulang ba ko?
Hindi ako sigurado kung may nagawa ba kong ayaw mo.
At mas lalo ng hindi ako sigurado
Kung ikaw ba ay nagpapakatotoo.

Minsan Iniisip ko nalang na wala kong kwenta.
Dahil feeling ko pinabayaan na kita.
Pero sa araw araw na lumilipas.
Umaasa ako na ikaw naman ang mauna
Na magmessage sakin sa messenger o insta.
Hindi ka naman gagamit ng telegrama.
Para ikaw ay tamarin na mangamusta.

Sa mga mambabasa nitong aking piyesa.
Wag kayong pakampante na kayo ang aking pinapatamaan.
Dahil iisang tao lang naman. Ang aking gustong basahan.
Simulan natin sa letrang L M N O P ang kanyang pangalan.
Ikaw na bahala manghula kung gusto mong malaman.

Pasensya ka na. Ako ata ay sagabal.
Dahil isa lang naman pala akong pampalipas oras mo.
Alam mo na man na ikaw ang aking matalik na kaibigan.
At alam mo naman na mahal na mahal.
Kita.
Pero hindi yun yung turing mo sakin.
Ikaw pala ay nagkukunwari.
Wag mo sanang hintayin.
Na magkatotoo ang kanilang sabi sabi
Sa aking paningin.
Dahil sa oras na mangyari yun.

Pangalan ko nalang ang iyong maririnig
At hindi na ang boses kong matamis na sayo ay laging nagpaparinig.
Pagsisisihan mo pag ako ay lumisan.
Dahil wala ka ng makikitang katulad kong ikaw lang ang pinahalagahan.
Baka nga ako ay iyong ipagdalangin
Na bumalik sa iyong piling.
Pero nagkakamali ka kaibigan.
Pasensya ng tao ay kakaunti lamang.
Panoorin mo nalang akong lumisan.
Habang ikaw ay aking iniiyakan.
Dahil kahit gaano kasakit ang sugat na iyong iniwan.
Ikaw at ikaw parin.
Ang aking kaibigan.
Kaso wala na pala.
Wala ka na palang pake.
Wag ka sanang maging peke.
pakinggan mo ko.
Naguguluhan na ko.
And i am stuck between "wala na rin akong paki"
And "di kita matiis"

Kung binabasa mo man to :) :> magising ka sana :> :(

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon