Patuloy Parin

229 10 0
                                    

By: Ericka Morcilla Evardone
-

Nung gabing Magkasama tayo
Nakikita ko sa mga ngiti mo na masaya ka palagi kapag kasama ako
Bawat araw walang Sinayang na sandali upang mapangiti at mapanatili ka. Sabi ko sa sarili ko ,
Itong taong kasama ko , iingatan at mamahalin ko .
Kasabay ng pag bitaw mo ng salita
Patungo sa ating mga pangarap .

Natulog ako ng masaya at kapiling ka.
Pero bakit pag gising ko wala kana?
Pag gising ko wala ng kulay ang umaga ko.
Kasama ng pag lisan mo.
Mga litratong nakataob kasama ang Pag patak ng mga luha ko.

Nasan na ang mga pangako mo?
Pangako mo na sabay nating Tutuparin
Nasan na?
Nasan kana ba?
Umiiyak ako dahil sa pag bitaw mo.
Iyak
Umiyak
At patuloy paring umiiyak dahil sa pag kawala mo.

Mahal ? Saan ba ako nag kulang?
Nag kulang ba ako o sadyang
Ikaw mismo ang Umayaw?

Nadurog ako nung araw na umalis ka
Nadurog ako nung araw na sinabing mo tapos na .
Pero mas nadurog ako nung sinabi mong
Mahal , Pinaglaruan lang kita

Gabi gabi Umiiyak ako sa paborito kong unan,
Unan na basa dahil sa pag patuloy ng patak ng aking mga luha
Unan ko na palaging nanjan nararamdaman
Yung sakit ng kwentong ating Winakasan.

Pero kapag sa oras na bumalik ka.
Pakiusap mahal , tumalikod ka
Kasi ayokong nakikita mo yung sakit na dulot mo.
Ayokong makita mong nandurugo parin ako.
Ayokong makita mo na sa bawat luha ko ikaw ang dahilan nito

Nangako ako sa sarili ko na kapag bumalik ka tatanggapin kita
Pero yung pag ibig na kay saya ay ibabaon ko na .
Ibabaon ko na sa limot at mag uumpisa tayong dalawa
Kakalimutan ang sakit ng kahapon na dulot mo
Kakalimutan ang bawat hagulgol ko dahil sayo
Kaya sa oras na bumalik ka mahal
Asahan mong handa akong magpakatanga
Makapag simula lang ulit tayong dalawa.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon