Tapos na ako sayo

287 9 0
                                    

By: Jude Pagalan
-
Paalam. Paalam na sinta kung ika'y aking lilisanin na. Paalam sinta kasi ang sakit na. Paalam sinta sa binuo nating masasayang alaala. Paalam sinta kasi pagod na pagod na akong magpakatanga pa. Kaya paalam sinta, kasi heto na ang huling kwento nating dalawa.

Kwento ng masayang alaala nating dalawa na tinapos mo na ang pahina. Kwentong sa gitna ng pahina'y tumalikod ka sa lahat. Kwentong naghanap ka ng iba na naging parte sa kwentong nating dalawa at Kwento nating sa dulo kayo ang naging masaya.

Sino ba sa ating dalawa ang nagtatago? Nag lilihim? At lumimot sa lahat? Sino ba sa atin yung nag hanap ng iba, at sino ba sa ating dalawa ang una sumuko. Sumuko sa larangan ng pag-ibig.

Kaya paalam na, paalam na kasi pagod nako sa kakaiyak gabi gabi. Sa kakaisip sayo at umaasang ika'y babalik. Babalik para punasan ang luha sa aking mga mata. Pero hindi, hindi mo ginawa, mas nasasayahan ka pa nga sa tuwing ako'y nahihirapan at nasasaktan. At mas nasasayahan ka pa nga, sa tuwing ako'y nagmamakaawa.
Nagmamakaawa na ika'y manatili.

Paalam. Dahil hindi ka kawalan, hindi ako kapalit- palit, salamat sa panandaliang kaligayahan. At sa wakas napagtanto ko na hindi ka kawalan ikaw yung nawalan at hindi ako. Kase alam ko at alam mo nag mahal lang naman ako, pero sinayang mo, sinayang mo ang pusong nag mahal ng totoo. Kaya paalam, kase Tapos na ako sayo.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon