Ni: Jomild Balao
Mahal, kung pagod kana,
Malaya kang lumisan,
Malaya mo akong iwan.
Hindi kasi maganda sa pakiramdam,
Ang sabihing mahal mo ako,
Kahit ika'y nahihirapan,
Kahit paulit-ulit kang nasasaktan,
Dahil binubugbog ka ng katotohanan,
Na nagpaniwala sayo sa lahat ng kasinungalingan,
Kasinungalingang akala mo'y totoo,
Na winasak ang tiwala mo,
Sa buong pagkatao ko.
Kaya sa huli, ako parin ang talo.
Kaya mahal,
Kung nahihirapan ka, mas lalo na ako.
Kung pagod kana, matagal na akong nanghihingalo.
Kung susuko kana,
Bitawan mo na ako.
Mahal na mahal kita,
Iwan mo na ako.
BINABASA MO ANG
(un)Spoken Words
PoetrySawi ka ba? Halina't magbasa🔥💯 Source Spoken Word Tagalog-Poetry add them on Facebook https://www.facebook.com/nik.ramos.33449 #17- 5/13/17 #19- 5/11/17 》》》》》》》》》》》《《《《《《《《《《《《 ❕❗AUTHORS NOTE❗❕ SOME OF THE POEMS ARE FROM SPOKEN WORD...