Bakit Nandito Pa Ako.

171 10 0
                                    

~REIAL NERA
-

Bakit nga ba nandito pa ako?

Baka natatakot lang ako.
Natatakot ako na mawala ka sa akin kaya ayokong umalis.
Umaasa ako na pwede pang magbago.
Umaasa ako na pwede pang maayos.
Natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita.

Bakit nga ba nandito pa ako?

Baka hindi uso sa akin ang mapagod.
Na kahit ilang beses mo nang pinaramdam sa akin na parang hindi tayo para sa isa't-isa, nag-aabang pa rin ako. Hinihintay ko na titingin ka ulit sa akin, yayakapin ako at bubulong ng
"Sorry kanina. Mahal na mahal kita. Alam mo yun."

Bakit nga ba nandito pa ako?

Siguro dahil pakiramdam ko, kailangan mo ako.
Ganun naman sa pagmamahal diba?
Tulungan.
Kampihan.
Ako kakampi mo diba?
Kaya hindi kita iiwanan.

Kahit ilang beses mo nang pinatunayan sa akin na dapat kitang iwan, hindi ako umalis.
Umaasa kasi akong baka pagod ka lang o may pinagdaraanan kaya may mga pangako kang napapako at may mga nasabi kang masasakit.

Marahil ako yung tipo ng taong mas mahal kita kaysa sa mas mahal ko ang sarili ko.
Sasabihin ng iba, katangahan yun pero sa totoo lang, ikaw ang lakas ko.
Masaya akong minamahal kita kahit minsan, ang sakit-sakit na.

Oo!
Ang sakit-sakit na.
Pero mahal... iniisip parin kita.
Kasi mahal kita.
Mahal kita kahit ang sakit-sakit na.
Kasi mahal, ikaw yung gusto ko.
Ikaw yung kaligayahan ko.
Ikaw yung mundo ko.

Kaya mahal... intindihin mo sana.
Hindi dahil iniisip ko yung ako.
Dahil mahalaga sa akin yung tayo.

Oo. Tayo.
Tayo hanggang sa dulo.
Tayo hanggang pumuti ang buhok ko.
Tayo hanggang sa kabilang mundo.

Kaya mahal pagkatanda-tandaan mo,
Ikaw lang ang mahal ko.
Ikaw lang ang tanging mamahalin ko.
Mamatay man ako.
Peksman!
Walang biro 'to!

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon