#34 Iyaking, mahal ko

82 8 1
                                    


Ni: Ain Ace
-
Hindi ka naman kagwapuhan,
Pero ako'y naakit mo ng tuluyan.
Appeal mo'y malakas,
Kaya ako'y di nakalampas.

Mga mata mong singkit,
Hindi ko alam kung puno ba ng sakit.
Malapad mong ngiti,
Pati ako napapangiti.

Masama ka nga sabi nila,
Pero ako'y di napaniwala.
Di ka kasi nila kilala ng lubusan,
Kaya ang dali para sa kanilang ika'y husgahan.

Ako'y napa-ibig mo,
Kaya tikom bibig ko.
Hiyang hiya sa tuwing ika'y nanjan,
Pero nalulungkot sa t'wing ako'y iniiwasan.

Ika'y isang basketball player,
At, sana ako ang iyong cheerleader.
Ngunit ito'y sana na lamang,
Dahil tayo'y mga bata pa lamang.

Nasasaktan kapag ika'y nakikitang may kasamang iba,
Pasensya na, mahal lang talaga kita.
Hindi ko alam kung bakit ako'y naging ganito sa'yo,
Ang lakas lang talaga tama ko sa tulad mo.

Aminin ko hindi ka gwapo,
Hindi ka ganon katalino.
Ang pangit mo nga,
Di ko ikinakaila.

Pero mahal kita,
Yun ang mahalaga.
Mapaglaro si Tadhana,
Pinagtagpo tayo, pero di itinadhana.

Higit isang buwan naging tayo,
Nakilala kita, nakilala mo ako.
Mas nahulog ako,
Sa isang mabuting taong tulad mo.

Wag kang mag-alala,
Hindi ko hilingin ika'y kalimutan na.
Pero bigyan mo ako ng panahon,
Para sakit ay maghilom.

Kahit hindi na tayo,
At marami nang nagbago.
Isa lang natitiyak ko,
Walang nagbago sa nararamdaman ko.

Ikaw lang, iyaking ko..

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon