#41 Kung Bakit Ako Umiiyak (Author's Choice✨)

86 7 0
                                    


Ni Ericka Dizon
-

Kumot,unan at banig
Ang saksi sa lahat ng patak na lumalabas mula sa aking mata,
Naging sandalan ko sa lahat ng problema at yakap-yakap ang paboritong unan, upang ang sakit ay mabawasan man lang

'Ang sakit sakit hindi ko na kaya' wika ko
Puno,halaman at kalangitan ang palagi ko'ng pinagmamasdan
Bagkus, alam ko'ng magiging ok na naman ULIT

Namangha ako sa ganda ng parke
Gusto ko maglaro pansamantala, upang makalimutan ang sakit
'Sana kaya ko ipakita sa iba na KAYA KO'

Paki-usap ko sa tala
Bigyan ako ng lakas
Na sabihin sakanya na
'SUKO NA AKO'

'Ang sakit sakit hindi ko na kaya' bigkas ko
At tumulo muli ang karagatan
Gusto ko masilayan ang bukang liwayway kasama ka
Bagkus, ang alaala ay baka mawala na sa aking memorya
At sa huling pagkakataon
Masabi ko sayo na 'SUKO NA AKO'

Ngunit ang layo ko na pala
Hindi ko man lang siya nayakap
At sa huling pagpatak ng luha ko
Ang sabihin sa kanya na
'Inay Papunta na'ko sa kaharian ng lumikha'

'Ang sakit sakit hindi ko na kaya' binanggit ko muli ang nakasanayan kong latanya Sabay hawak sa aking dibdib at sa papel na may lamang resulta,
MAY SAKIT AKO SA PUSO
Ang huling tibok ay para sa'yo
INAY.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon